Chapter 39

3.8K 177 72
                                    

"Well, well, well! Did you miss me? You did not tell me na may bisita pala tayo. Sino siya?"

I was shocked na meron ibang tao sa mansiyon ni Daddy Ricky.

"Dei, by the way this is Miranda. Miranda, siya si Dei, asawa ni Richard." Pakilala ni Daddy Ricky sa amin dalawa.

"Oh! So ikaw pala ang asawa ni Richard. Akala ko ayaw niya sayo?" Walang pakundangang tanong nito sa akin. Di ko pa rin alam kung ano ang ganap ng Miranda na ito sa buhay nila Daddy.

"Miranda! Stop it!" Sita ni Daddy.

"Sorry. Nagulat lang ako. I thought Richard is not interested in her anymore." Walang pakialam na sabi nito. Di ko gusto ang tono ng babaeng ito. Bukod sa walang habas ang bibig niya sa pagsasalita, pakiramdam ko hindi ito gagawa ng matino sa akin.

"Kumain ka na! Pakilagyan pa ng isang pinggan dito, Digna." Utos ni Daddy.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Nakikita ko na hindi natutuwa si Richard lahit di siya nagsasalita. Sino nga kaya ang babaeng ito?

Matapos ang pagkain ay niyaya ako ni Richard na pumunta muna sa kwarto niya para doon kami magstay. Di naman nagreklamo si Dad dahil nga alam niya na kailangan namin ni Richard na mag-usap. Batid nito na si Richard na magsasabi sa akin ng tungkol sa Miranda na iyon.

Pagpasok pa lang sa kwarto ni Richard namangha na agad ako. Napakaayos nito. Di naman kase ako nakakapasok dito dati dahil di naman kami maayos noon. Magkaaway nga kami dati.

"Babe, pasensiya ka na doon sa babaeng yun." Bungad ni Richard.

"Okay lang." Tipid kong sagot.

"Dad took her as a mistress. She told him na she was pregnant. I did not tell you muna kase I don't think she's important." Kwento nito. So ibig sabihin asawa siya ni Daddy Ricky.

"Bakit di ko siya nakikita dati? And nasaan ang anak nila?" Tanong ko pa.

"When you were here, nasa States siya. Yung anak nila ay namatay habang ipinagbubuntis ni Miranda. But Dad kept her. I don't know why?" So matagal na palang nakatira ang Miranda na iyon sa mansiyon. Pero di nila naikwento sa akin. Ayos lang kase ayoko rin naman malaman at wala ako talagang panahon na malaman.

"So kaya ka ba nagkaganyan dati? I mean kaya ka nagrerebelde?"

"Partly yes. Pero actually, I don't give a damn about Dad and Miranda."

"Okay." Ayoko ng mag-elaborate about it. Baka mastress lang si Richard.

"Would you like to take a nap babe? Galing ka pa ng work." Tanong ni Richard.

"Okay lang ako. If you want let's lie down na lang. Pahinga ka rin."Yaya ko sa kanya.

"Good idea babe. Binyagan kaya natin ang kwarto ko." Malanding sabi niya sabay taas-baba ang kilay. Pero pwede ba akong tumanggi?

Di ko na lang sinagot. Tinanggal ko ang shoes ko at inayos sa gilid. Pumasok sa banyo para tignan ang sarili ko bago ako tumabi sa kanya sa kama. Yumakap kay Richard dahil iyon naman ang gusto ko. Ang maramdaman ang pagmamahal ng asawa ko.

We just stayed like that for a while until we fell asleep.

If I were to be asked, ayoko ng umalis sa tabi ni Richard. Gusto ko na ganito na lang kami. Magkayakap at walang problema.

Kung pwede lang..

Sana lang..







A/N Filler Chapter lang po..

No proofread.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon