Chapter 5

1.6K 135 12
                                    


Natulog ako na di naghahapunan. Umiyak lang ako ng umiyak dahil sa lungkot at pag-aalala.

Nagising ako ng Alas-sais ng umaga. Kumakalam ang sikmura dahil ang huling kain ko pa ay nung tanghali ng dumaan kami sa isang restaurant bago umuwi dito sa mansiyon nila Tito Ricky.

Naligo muna ako at nagpalit ng maong at tshirt para makapunta ako sa kolehiyo at sa aking trabaho pagkatapos.

Bumaba na ako ng dahan-dahan sa kusina at nagdarasal na sana ay wala ang hayup na Richard na iyon.

"Magandang umaga Dei. Mag-almusal ka na. Tulog pa si Sir Ricky. Si Richard naman ay di umuwi. Malamang nambabae na naman iyon." Bungad ni Digna.

"Salamat."

"Kape? May hotdog, itlog at bacon. Nagsangag na rin ako. Umupo ka na at kumain." Sabi pa nito.

Dahil sa gutom ay kumain ako ng masagana. Ngayon lang ako nakapag-almusal ng ganito dahil palaging SkyFlakes o kaya naman ay lugaw lang at kape ang inaalmusal ko. Sa hirap ng buhay ko noon, pati sa pagkain ay kailangan kong magtipid.

"Salamat Digna. Ang sarap ng inihanda mo." Bati ko kay Digna.

"Walang anuman. Kumain ka lang."

"E kayo?"

"Nakapag-almusal na kami. Kung anong kinain mo, ganyan din ang sa amin. Ayaw ni Sir Ricky na may diskriminasyon sa pagkain." Kwento nito. Naantig ang puso ko dahil mabuti palang talaga si Sir Ricky.

"Ipinaghanda din kita ng babaunin mo. Para di ka na gumastos sa skul."

"Salamat Digna ha! Di ko yan tatanggihan. Kailangan ko rin kase magtipid dahil malaki babayaran ko sa Graduation fee ko."

"Ang galing mo! Buti ka pa, makakatapos. Samantalang ako, high school lang."

"E di mag-aral ka."

"May asawa na ako. Di ko na magagawa yan."

"Di rin Digna. Kung gusto mo talaga, di imposible."

"Tatandaan ko yan. Sige na, bilisan mo diyan para makapasok ka na."

"Salamat ulit ha? Si Nanay Marie nga pala?"

"Nasa palengke. Pabalik na iyon."

"Ah salamat ulit." Nagmadali na ako.

Malayo ang gate ng mansiyon mula sa harap ng bahay. Naglakad lang ako ng makasalubong ko ang papasok na sasakyan.

Akmang sasagasaan ako nito.

Napatabi ako kaya naman di ko namalayan na namali ako ng apak kaya napaupo ako.

Ang sakit. Tinignan ko ng masama ang nagmamaneho. Nakita kong ang hayup na Richard na iyon.

"Anong problema mo?" Sigaw ko dito na kinainis marahil nito.

"Hahara-hara ka kase! At hoy huwag mo akong sigawan dahil wala kang karapatan! Sampid ka lang dito! Ayoko sayo!" Iyon lang at humarurot na ito papunta sa garahe.

Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko. Iika-ikang naglakad papunta sa gate.

Naiiyak ako sa hayup na iyon. Ang sama niya.

Hindi ko na lang muna iintindihin dahil may pasok ako. Mamaya na. Isusumbong ko siya kay Tito Ricky.

Naglakad ako hanggang sa gate ng subdivision para makakita ng jeep na masasakyan papasok. Malayo pa ang kolehiyo ko. Sa Maynila pa. Nasa Makati kase ang mansiyon ni Tito Ricky.

Nang makapasok ko, kinamusta ako ng mga kaibigan kong si Meriam at Chloe. Ikinuwento ko ang sitwasyon ko. Di naman sila nagbigay ng kahit na anong payo. Nasa akin daw ang desisyon.

Inayos ko rin ang mga nakaligtaan kong requirements at quizzes sa mga subjects ko. Kailangan kong makabawi.

Pagkatapos ay tumuloy na ako sa McDonalds kung saan service crew ako. Kukuha ako ng mas mahabang oras ng duty para gabi na ako makakauwi at di ko makikita yung hayup na Richard na iyon. Ayoko na muna siyang makadaupang palad dahil nasasaktan lang ako, physically. Akalain mong pumapatol sa babae ang hudas na iyon. Di man lang nahihiya at walang dugo ng pagiging gentleman. Nakakahiya siya bilang miyembro ng lahi ni Adan. Walang modo.

Gabi na ng matapos ang shift ko. Mag-aalas diyes na. Bukas ulit. Buti na lang pinagbaon ako ni Digna kundi, maghapon na naman akong gutom. Di ko rin kase magastos ang natitira kong pera. Matagal pa ang sweldo. Ayoko din humingi kay Tito Ricky dahil kalabisan na kung manghihingi ako ng baon sa kanyang pera samantalang pinapatira na niya ako ng libre sa mansiyon niya.

Pagdating ko sa Mansiyon ay pinagbuksan ako ni Nanay Marie.

"Dei? Gabi na. Bakit ngayon ka lang anak? Kanina ka pa hinihintay ni Ricky."

"Galing po ako sa trabaho." Sagot ko na lang matapos makapagmano dito.

"O siya, dumiretso ka na sa kumedor. Ipaghahain kita ng pagkain. Malamang gutom ka na. Madilim na yang ilalim ng mata mo. Nanunuyot na rin ang labi mo." Pansin niya na hindi nga ako naghapunan.

"Salamat po." Dumiretso ako sa kumedor. Mamaya na ako aakyat pagkatapos kumain. Alas onse na rin naman kase ng gabi.

Ipinaghanda ako ni Nanay Marie ng kanin at ulam.

Sa gutom ko ay naubos ko kaagad ito.

Umiinom ako ng tubig ng pumasok sa kumedor ang hayup na Richard na iyon.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Pinagsisilbihan ka pa ng mga katulong dito samantalang dapat katulong ka din!" Hindi ko siya sinagot at kinuha lang ang pinagkainan ko para mahugasan ko.

Si Nanay Marie ay bumalik ng marinig ang sigaw ng amo niya.

"Huwag mo akong talikuran Miss Gold Digger! Eto tatandaan mo, di kita magugustuhan at lalong di ko maatim na pakasalan ka! Malay ko ba kung saan lupalop ng impiyerno ka lang napulot ng Daddy ko. Malamang, sa isang club na pipitsugin!" Nagtitimpi ako. Ayoko na siyang sagutin.

"Tama na Richard. Mali yang sinasabi mo!" Awat ni Nanay Marie.

"Huwag kang makialam dito Nanay Marie. Dapat malaman ng babaeng yan na di siya welcome dito. Ang tanga niya at di pa siya nakakahalata na ayaw ko siya dito!" Nauubos na pasensiya ko pero dahil ayoko ng gulo ay hinayaan ko na lang.

"Nay, aakyat na po ako. Pahinga na rin kayo." Sabi ko matapos kong hugasan ang pinagkainan ko. Di ko tinatapunan ng pansin ang anak ni Satanas. Hamo siyang magalit at magwala. Wala akong pakialam.

Lumakad na ako para umakyat sa kwarto ko bitbit ang backpack ko ng hiklatin na naman ng Richard na iyon ang braso ko. Tinitigan ko siya ng taas noo. Di ako iiyak kahit nasasaktan ako sa mga paratang niya.

"Sino ka sa akala mo na kayang manipulahin ang daddy ko? Gold digger ka na nag-iinteres sa kayamanan namin! Kaya lumayas ka dito! Di ka nababagay dito, tandaan mo yan!"

"Saksak mo sa baga mo ang kayamanan mo! Si Tito Ricky lang ang may karapatan magpalayas sa akin, at di ikaw! Kaya pwede ba, bitawan mo ako kung ayaw mong tumawag ako ng pulis dahil sinasaktan mo ako!" Balik ko sa kanya.

"Hahaha! Ang lakas ng loob mo! E kung sabihin kong trespassing ka? Na magnanakaw ka?"

"Walang maniniwala sayo! Alam ng lahat dito na di ako magnanakaw!" Hiniklat ko ang braso kong hawak niya. Kahit alam kong nagasgasan ng kuko niya ang braso ko ay di ko iyon ininda. Gusto ko ng umalis sa harap niya at baka di ako makapagpigil ay maihampas ko sa kanya ang anumang bagay na mahahawakan ko.

"Lumayas ka dito, Gold Digger, Money Sucker, Miss Slut!" Sigaw nito sa akin noong nasa hagdan na ako. Di ako ganun kaya di ako papaapekto!

Pero masakit na bansagan ng mga ganun dahil kahit kailan di ako ganun.

Naiyak na lang ako  pagpasok sa loob ng kwarto ko. Ayoko ng magtagal dito.

Pero paano? Si Tito Ricky? Alam kong sa sandaling pagkakakilala ko sa kanya ay nahulog na loob ko dito at itinuturing ko ng pangalawang ama.

Bahala na. Basta kailangan akong makaisip ng gagawin. Bahala na talaga..







A/N No proofread.

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon