Chapter 11

1.6K 133 8
                                    


Today is my graduation day. Kahit dapat akong maging masaya ay di ko magawa. Naiisip ko pa rin si Tatay.

Naisip kong umuwi muna sa San Simon kahit isang linggo lang bago ako magtrabaho sa opisina ni Tito Ricky.

Simula rin ng buhusan ko ng juice ang hudas na si Richard ay di na niya ako ginulo pa. Iniiwasan kong makasalubong ito at ganun din siya. Malaki naman ang mansiyon ni Tito Ricky kaya di rin kami nagkikita. Mabuti at nagtanda siya.

Di ko rin alam ang napag-usapan nila ng Daddy niya. Basta ang alam ko, pinagalitan siya. Bukod doon ay wala na. Ayoko naman magtanong dahil hindi ko ugali ang manghimasok sa problema ng may problema. Ayos na sa akin na di kami magkita. Yun nga lang, yung hiling ni Tito Ricky ay nakahang pa rin. At dahil nakatapos na ako, eventually ay pag-uusapan din namin iyon. Pero sa ngayon, ienjoy ko muna ang araw na ito.

Kasama si Nanay Marie at Ate Digna pati ang driver ni Tito Ricky na si Mang Justo ay umattend sila sa aking Pagtatapos. Kakain daw kami sa labas pagkatapos. Masaya ako dahil may mga tao pa rin na nagmamalasakit sa akin.

"Congratulations, Dei! Sa wakas tapos ka na." Bungad ni Tito Ricky matapos ang palatuntunan.

"Naku salamat po. Salamat sa inyo!" Niyakap ako nila Nanay Marie at Ate Digna.

"O tara na. Kumain tayo sa labas. Nagpareserve ako sa isang restaurant."

"Naku Tito, sana sa bahay na lang. Nag-abala pa kayo."

"Wala iyon Dei. Magsaya naman tayo kahit minsan. Diba Sir?" Si Ate Digna. Ngayon lang daw kase siya makakakain sa isang magarang restaurant.

Dumiretso kami sa aming dinner.

Masaya ako dahil masaya silang lahat.

Pagkatapos ay umuwi na kami.

Pagdating sa bahay ay naroon ang anak ni Satanas.

"Congrats!" Bungad niya. Himala. Mabait ata ang mokong.

"Salamat." Tipid na sagot ko.

"Dad." Bati niya kay Tito.

Umakyat na ako. Di ko na alam kung nag-usap sila o ano. Basta ayokong magtagal na kasama siya sa isang space. Di kami pwedeng magkasama.

Naligo ako at nagpalit ng pantulog. Alas diyes na rin kase ng gabi.

Naisip kong magbasa na lang ng pocketbook para makatulog. Sa wakas kase ay wala na akong iintindihing projects, assignments at term papers. Nagresign na rin ako sa McDo dahil nakiusap si Tito Ricky na magtrabaho ako sa kanilang kumanya.

Halos madaling araw na ng antukin ako pero bago ako nakatulog, buo na ang desisyon ko.

Uuwi na muna ako sa San Simon bago ko ibigay ang sagot ko kay Tito Ricky.

****

Isang linggo ako sa San Simon. Di naman ako pinigilan ni Tito Ricky. Gusto ko kase talagang bisitahin ang puntod nila Tatay. Maialay ko man lang ang diploma ko.

Makalipas ang isang linggo ay bumalik na ako sa Maynila.

Tuwang-tuwa sila Nanay Marie at Ate Digna sa dala kong pasalabong.

Bumili ako ng pastillas na gawa sa gatas ng kalabaw at ilang kakanin na meron ang aming probinsiya.

"Kamusta Dei?" Bati ni Ate Digna.

"Ayos naman. Namiss ko kayo."

"Kami rin dito. Malungkot kapag wala ka."

"Naku Ate Digna, sa totoo lang gusto ko kayong isama sa San Simon. Matutuwa kayo doon. May dagat kaseng malapit sa amin."

"Talaga ba? Sa susunod, pumunta tayo doon. Sana lang payagan tayo ni Sir Ricky."

"Papakiusapan ko siya pagmay panahon at wala gaanong trabaho dito. Siguro naman papayag siya."

"Ay gusto ko yan!" Si Nanay Marie naman.

Di ko namalayan na nasa likod ko pala ang taong iniiwasan ko at ayaw kong makita.

"Nakarating ka na pala?" Bungad nito. Umupo pa siya sa harap ko sa kumedor.

Hindi ko sinagot. Tumingin lang ako sa kanya saglit at saka bumalik sa pakikipaghuntahan kala Nanay Marie.

"Nay Marie, paghain po ninyo ako. Kakain ako." Singit nito sa usapan namin.

"Ay sige, Richard. Ano bang gusto mo?"

"Ano po bang meron diyan?"

"Meron pang Kare-kare at pritong daing na bangus." Sagot ni Nanay Marie.

"Sige po. Ipaghain ninyo ako." Himala sa himala. Hindi ako winawalangya ng taong ito. At dahil naalibadbaran na ako sa mukha niya ay nagpaalam ako kala Nanay Marie na magpapahinga na.

"Nay, papahinga na po ako. Napagod ako sa biyahe. Bukas ko na lang kayo kwekwentuhan."

"Sige Dei. Matulog ka ng maaga." Sabi ni Ate Digna. Tumango na lang si Nanay Marie.

Iniwan ko na sila. Hindi ko talaga matagalan ang taong iyon. Pakiramdam ko iinsultuhin na naman niya ako. Pero di naman nangyari. Buti naman. Sana nga hindi na kahit kailan.







***

Maaga akong gumising at naisipan kong tulungan si Nanay Marie sa kusina.

"O ang aga mo naman gumising, Dei. Matulog ka pa!" Taboy nito sa akin.

"Ayoko na po. Nakapahinga na ako. Di rin naman ako sanay ng matulog ng matagal."

"Ah ganun ba? O siya, maghain ka na diyan ng mga pinggan at kubyertos.  Maya-maya ay bababa na si Sir Ricky." Utos ni Nanay Marie.

"Sige po." Naghain ako. Dalawang pares ng pinggan at baso. Nagtimpla ng kape para sa akin.

Maya-maya ay pumasok na si Tito Ricky.

"Dei? Kamusta? Kelan ka pa dumating?"

"Kahapon po Tito."

"Ah ganun ba? Di ko na ikaw inabutan. Gabi na rin kase ako dumating."

"Kamusta po kayo Tito?"

"Maayos naman."

"Mabuti po kung ganun."

"Nakapagdesisyon ka na ba?"

"Opo."

"Ano iha?"

"Napag-isipan ko na po. Dahil po malaki ang utang na loob ko sa inyo, tutulungan ko po kayo pero meron po akong mga kondisyon."

"Ano iyon iha?"

"Di po ako papayag na magkaroon ng anak kay Richard."

Nag-isip si Tito Ricky.

"At sana po ay makapagtrabaho ako sa opisina ninyo ng di ginagamit ang apelyidong Faulkerson. Ayoko po kaseng bansagang gold digger. Ang kasal po sana namin ay sikreto at hindi lumabas sa media."

"Pero iha.."

"Tito, sisikapin ko pong matulungan si Richard na magbago, pero ayoko po siyang pilitin na mahalin ako. Ganun din naman po ako e. Papakasalan ko lang po siya para matulungan siyang magbago. Iyon lang. Wala na pong iba. Hindi po ako aasa na may makukuha sa kasal na iyon kapag naghiwalay kami. Pipirma po ako ng Pre-Nup para wala po siyang masabi. Pagkalipas ng isang taon, maghihiwalay din po kami."

"Sige iha. Masusunod lahat ang nais mo. Salamat iha."

Niyakap ako ni Tito Ricky. Todo siya pasalamat.

"Kumain na tayo." Alam kong walang maidudulot na maganda ang pinasok ko pero gusto kong tulungan si Tito Ricky. Sana nga ay magbago na ang Richard na iyon para matapos na rin ang paghihirap ni Tito Ricky at ang kasal na alam kong walang pag-ibig at mauuwi rin sa hiwalayan.

A/N Isa na lang po mamaya tapos bukas na lang ulit.

No proofread.

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon