Chapter 18

1.8K 156 28
                                    

I went to this store in Makati para maghanap ng mga corporal suit. I settled for the basic muna dahil ayokong mag-ubos ng pera sa wardrobe. May mga susunod na sweldo pa naman.

Namimili pa lang ako ng damit ay feel ko na maganda ako. Parang biglang lumaki ang self confidence ko na halos maubos dahil sa pang-iinsulto ng asawa kong di talaga asawa ang turing sa akin.

Anyway, I bought two sets of skirts complete with a blazer. Meron din mga camisoles to match for my inner blouse. I intend to look like a true chic which is far from the Miss Skinny Jeans kind of image ko. Meron din akong biniling mga satin and cotton blouses and button downs na pwede kong i-pair sa ilang plain and checkered pants. Dumaan na rin ako sa pagbili ng dalawang pares ng stilletos and sandals to match my get up. Di ko rin nalimutan bumili ng matching panty and bras dahil nakakakutya talaga ang magkaibang pares na pirmi kong suot. Sabi kase nila, mas confident daw ang babaeng kumilos kapag matchy-matchy ang undergarments niya. So ayun. Di ko rin pala nalimutang bumili ng ilang pares ng corsets para naman magkaroon ako ng korte. Although di naman ako mataba, at di rin payat kaya lang nakakasexy daw iyon sabi ng saleslady na tumulong sa akin sa pagpili.

Of course, may kasamang bags na hindi naman kamahalan pero kahit papaano ay hindi mukhang mumurahin.

So kumpleto na ang wardrobe ko. Make up na lang.

Siyempre, alam ko naman ang mga must haves na foundation, face powder, lip and cheek tint, mascara, eyeliner and blush ons. Nagsuggest ang saleslady na sa Mac daw ako mamili ng mga make up dahil quality daw iyon. Sinunod ko naman dahil matagal ko naman gagamitin ang mga iyon. Mabuti na rin mag-invest. Tutal malaki ang binigay sa akin na signing bonus daw sa HR. Which is unusual talaga. Care of my biyenan. Ayoko din naman na mapahiya sa kanya na tinitipid ko sarili ko samantalang may sweldo na naman akong aasahan.

Akalain mong ang laki ng nagastos ko. Halos maiyak ako sa hinayang pero ganun talaga. Di ko naman inaasahan ang malaking pera na iyon. Isa pa, may natira pa naman kaya ayos lang.

Matapos ang shopping galore ko ay umuwi na ako.  Malapit lang naman ang condo namin sa shopping mall kaya naisipan kong magtake out na lang at sa condo kumain.  Siguro naman ay wala doon ang hudas. Malamang madaling araw na iyon uuwi. Hay sana huwag na siyang umuwi. Masaya kase kung ako lang mag-isa. Walang buwisit na nang-iinsulto sa akin. Tahimik ang buhay ko.








****

Sinadya kong magbagal sa pagpaligo para iwan ako ng hayup na asawa ko. Ayoko siyang makasabay sa pagpasok.

Mabuti naman at nainip kaya umuna ng alis.

Pagkakataon ko ng mag-ayos. Kaya I took all the time para maayos ang sarili ko.

And upon looking at the mirror, di ko halos nakilala ang sarili ko.

Ang ganda ko!

Ganun talaga, dapat feel good, do good and be beautiful!

Kailangan kong ipakita diyan sa hayup na Richard na yan na kaya ko rin magmaganda.

Teka nga, di para sa Richard na iyon ang pagpapaganda ko! No no no! Gusto kong maramdaman na may worth ako. Na meron din akong ibubuga. Pagod na kase akong maliitin. So ngayon, para sa ikasasaya ng kalooban ko, magmamaganda ako. At wala akong pakialam kung ano ang sabihin ni Richard dahil di siya ang dahilan ng pagpapaganda ko.  Hinding-hindi.


***

Imagine ang surprise sa mukha ng receptionist sa lobby ng makita akong dumaan sa harapan nila. Kahapon kase ay wala akong kadating-dating.

Then lahat ng makasalubong ko ay napapanganga sa akin. So ibig sabihin, tagumpay ang make over ko?

So paano na lang ang bruha sa reception sa floor namin?  Ayun, napanganga! Pero may pagtaas pa rin ng kilay.
At dahil good mood ako, I said hi sa kanya. Though di niya talaga deserve iyon.

Inabutan ko si Cacai na nakatayo sa harap ng cubicle ko.

"Grabe naunahan ka pa ng boss mo? Baka masigawan ka day, masungit pa naman yun." Bati ni Cacai.

"Hayaan mo siya." Dumiretso ako sa mesa ko at inilapag ang bag ko tabi.

"Ay matapang! Gusto ko yan. Teka ha.. Mukhang ang laki ng transformation natin day?"

"Ganun talaga. Nakita mo yung babae sa mesa doon?" Munstra ko sa babaeng nasa reception.

"O ngayon?"

"Lintik akong insultuhin sa mga tingin kahapon e. Kaya eto, makapagmaganda!"

"Ay ganun?"

"Ganun nga!Teka bakit nandito ka?"

"Nandiyan kase ang boss ko sa loob. Kausap ang boss mo."

"Ah okay. Teka hinanap na ba ako?"

"Di naman. Mukhang usapang barkada lang e."

"Okay. Trabaho na ako Cai. Baka lumabas ang hudas e maabutan tayong nagchikahan."

"Go ahead girl."

Binuksan ko na ang computer ko para basahin ang lahat ng email para sa boss ko.

Di ko napansin na umalis na si Cacai.

Busy ako sa trabaho ko ng biglang bumukas ang pinto sa opisina ni Richard.

"Who do we have here?" Tanong ng lalaki. Malamang ito ang Boss ni Cacai.

"Good Morning Sir. Dei Mendoza, PA for Mr. Faulkerson." Pakilala ko. Inabot niya ang kamay niya para sa isang shake hands kaya di ko tinanggihan.

Magkahawak kamay kami nung Andrew ng biglang labas ni Richard.

Napatingin ito sa amin.

"Pare, akala ko babalik ka na sa office mo?"Tanong nito doon sa Andrew.

"Oo pare. Pero di ko papalagpasin makilala si Miss Beautiful." Umupo na ako at bumalik sa trabaho. Di ko na inintindi ng dalawang lalaki.

"See you later, Miss Dei." Napanganga ako. Di ko alam kung anong isasagot. Kaya ngumiti na lang ako.

Pagkaalis nung Andrew  ay nagulat ako ng biglang nagsalita ang Richard na ito. Nandoon pa pala siya at pinagmamasdan kung magkakaroon pa kami ng interaction ni Mr. Madrigal.

"Dei, go to my office now!"  Ano daw? Aba anong ginawa ko? Baka dahil late ako? Naku patay, oo nga pala late ako.

Pagpasok ko sa office niya ay di man lang ako pinaupo.

"Ano yun, Mr. Faulkerson?" Pormal siyempre.

"I don't want you flirting with Andrew or anyone who comes here! Nakakahiya! Kabuong may asawa mo, lumalandi ka!"

Ano daw?  Ako lumalandi?

"I beg your pardon Sir? Flirting? Kailan?"

"Kanina. Your job description states that magiging PA kita. Nothing else. Wala sa kontrata na landiin mo mga bisita ko!"  Nakakapanting ng tenga talaga.

"I'm not flirting! I know what I should do! No need to rub it in my face. Hindi rin ako bastos para bastusin ang lumapit sa akin. As far as I know, nasa opisina ako at dapat magkaroon ako ng respeto professionally sa lahat ng pumupunta dito!  So asan ang pagflirt doon?" Nakakairita talaga!

"Fine! Pero I next time mahiya ka naman. Sa harapan ko pa ikaw naggagaganyan. Asawa mo ako!"

"Wow! Sa pagkakatanda ko, di mo ako gusto, palabas lang ito at di alam sa opisinang ito na asawa mo ako! So saan banda nakakahiya?"

"God Dei you're so stubborn!" Napakamot na siya ng ulo sa inis marahil sa akin. Pero bakit siya mainis? Wala siyang dapat ikainis dahil palabas lang ito.

"And you're impossible! Pwede ba, may trabaho pa ako! Ayokong makipag-away sayo dahil ayokong mapagod. Kung may kailangan ka, sabihin mo na para magawa ko na. Ngayon kung wala, lalabas na ako at nasasayang ang oras ko sa pakikipagtalo sa walang kakwenta-kwentang dahilan dahil in the first place, wala akong pakialam sayo at wala ka ring pakialam sa akin. Trabaho lang ang namamagitan sa atin at yun lang!"

Tumalikod na ako at lumabas. Alam kong namumula ako sa galit kaya pinakalma ko ang sarili ko. Iniinis ako ng lalaking iyon, pwes ako naman ang mang-iinis! Makikita niya.





A/N No proofread.

The Girl I Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon