Habang iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang residente sa lugar na kanyang nasasakupan, nalaman ni Police Investigator Helen Domingo ang kuwentong umiikot sa kanilang probinsiya tungkol sa isang rosaryong gawa sa kahoy na diumano'y isinumpa. Ayon sa kuwento, ang sinumang gumamit ng rosaryong iyon o umangkin dito ay mayroon na lang hanggang 13 araw para mabuhay. Ibig sabihin, maaari siyang mamatay anumang oras simula ngayon hanggang sa ika-labintatlong araw.
Hindi naniniwala si Helen sa mga kuwentong-bayan kaya kinuha niya ang rosaryo at inilagay sa presinto bilang isa sa mga posibleng ebidensiya sa pagkamatay ng biktima. Ilang sunud-sunod na mga imahe ang biglang lumitaw sa kanyang isip na labis niyang ikinagulat. Nakakita siya ng tutang bumabalanse sa isang beach ball, isang lumang diyaryo na may balita tungkol sa isang naaksidenteng kotse, isang dagang may hood na nagbubunganga tungkol sa pananampalataya, at isang balon ng malinis na tubig na nasa isang nakapangingilabot na kagubatan.
Sa kanyang pag-iimbestiga, nalaman niyang may ilan pang mga namatay sa iba pang mga bayan sa kanilang probinsiya na katulad ng sa hinahawakan niyang kaso. Ang lubos lang na ipinagtataka ni Helen ay ang itsura ng mga naging biktima. Kung titingnan mo ang mga ito ay parang namatay lang sa natural na paraan. Pero kapag kinunan ng litrato ang bangkay, ibang imahe ang kanyang nakikita. Nababalot ng tila kaliskis na gaya ng sa balat ng ahas ang kanilang mga balat.
Nang mapansin ni Helen na maging siya ay tinutubuan na rin ng tila kaliskis ng ahas sa kanyang braso at likuran, doon siya naniwalang posibleng totoo nga ang sumpa sa rosaryong kahoy. Humingi siya ng tulong sa kanyang boyfriend na si Nathan Torres na empleyado sa isang pampublikong opisina.
Sinuri ni Nathan ang rosaryo at boluntaryong inilagay ang kanyang sarili sa sumpang dala nito. Mas pipiliin niyang damayan ang nobya at dalawa silang mamatay kaysa pabayaan itong mag-isa sa hinaharap na problema. Ngayon ay nakapila na siya sa mga taong posibleng mamatay dahil sa sumpa ng rosaryo, simula ngayon hanggang sa ika-labintatlong araw.
Kailangan nang kumilos nina Helen at Nathan para tuklasin ang ibig sabihin ng mga imaheng lumitaw sa kanilang mga isip. Tumatakbo ang oras. Lumilipas ang mga araw. Dapat silang magmadali bago pa sila kapusin sa oras at tuluyan nang mamatay!
BINABASA MO ANG
Curse of the Wooden Rosary
HorrorWhile investigating the death of a local resident, Police Investigator Helen Domingo uncovers a legend about a supernaturally-cursed, wooden rosary circulating throughout the province. As soon as anyone touches or owns the rosary, he or she will die...