Sariling Wika🇵🇭

432 11 8
                                    


May sariling wika ang ibon at isda,
Iba ang sa aso,
iba ang sa pusa.

Iba't ibang bansa,
kanya-kanyang wika
Itaguyod natin ang wikang pambansa.

Bakit mahalaga ang sariling wika?Ito'y kaluluwa ng mahal 'ting bansa.
Wika rin ang nagbuklod ng puso at diwa

Nang tao sa Luson, Mindanao at Bisaya.
Wikang Pilipino pag ating ginamit
Mangkakaisa ang puso at isip.

Hangaring umunlad ating makakamit,
Sa mga dayuha'y hindi palulupig.
Tingnan 'nyo ang Intsik, Aleman at Korya,
Maging ang Rusya, Hapon, Amerika,
Sila'y mauunlad at ang wika nila hindi ba?

Ang sariling wika, di wika ng iba.
Ako ay Tagalog, sila'y Ilokano,Siya'y Bisaya, kayo'y Bikolano,Kapampangan sila, iba'y Sibuwano,Binubuo natin, wikang Pilipino.

🌊🌊🌊🌊



POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon