Letter to My Love 😭

370 11 10
                                    


Kamusta na mahal ko?
Masaya ka ba sa iyong bago?
Pasensya na hindi kita sinagot
Bawal pa kasi at si tatay baka ako ay malagot

Diba sabi mo naman maghihintay ka?
Anong nangyari bakit kapa naghanap ng iba?
Nainip ka na ba saakin?
Pakipot ko tinotoo mo rin?

Masaya ako para sainyo ng bago mo
Stay strong nga pala sainyo at magpakatotoo sana kayo
Kaso paano naman akong iniwan mo sa ere na umaasang mag isa sayo?

Alam mo ba yung pakiramdam ko nung mga oras na hinihintay kitang mag chat pero malalaman kong open ka,
Oo open ka pero
Hindi para saken kundi para sakanya na?
Ang sakit lang diba?
Ngayon may karapatan paba akong kumontra?

Hindi ko alam kung bakit nakuha mo pang maghanap ng iba
Ginawa ko naman ang lahat habang pinaglalaban kita..

Gabi-gabi naiiyak nalang ako kapag nakikita ko ang pangalan mo sa favourites ng messenger ko,
Sana naman maalala mo na may iniwan ka sa ere na itago na lang naten sa katauhan ni Ako

Sana naisip mo man lang kung paano na ang naramdaman ko
Sana sinabi mo man lang na ayaw mo na,na meron ng iba at hindi yong ganito para hindi na sana ako patuloy na umasa pa sa iyo

Sana hindi ka nalang nagbigay ng motibo para ako ay hindi na nasaktan
At heto yung pinakamasakit
WALANG TAYO PERO BAKIT NGA BA AKO NASASAKTAN?

Para akong iniwan na sanggol nung ako ay iyong iwan sa kawalan
Hindi ko alam ang gagawin non kung hindi ang umiyak na lang

Paano na ang mga sinabi mong mga pangarap mo?
Para saakin? Para saiyo? Para sa hinaharap?At para saateng dalawa mahal ko?

Siguro hindi mo naisip na nasaktan ako no?
Malamang hindi,
Akala mo hindi ako nahulog sayo pero hindi yan totoo
At alam kong ito ay alam mo

Mabilis lang mahulog ang mga babaeng tulad ko sa isang tulad mo
Mabait,palatawa,matalino,gentleman, sweet,understanding at higit sa lahat may respeto

Gusto kitang ichat pero TAKOT NAKO
Baka maistorbo kita sa lambingan niyo

Oo marahil nga tama si ina
Na ako ay bata pa kaya tatanggapin ko na

Na ang ngayon ay hindi pa panahon
Na mahulog ako sa isang tulad mo at magmahal ng totoo..

Marahil uunahin ko na lang muna ang sarili ko..
Love yourself ika nga ng mga kaibigan ko..

Pero sana talaga hindi kanalang lumitaw diba?
Lumitaw ka ng parang kabute at naglaho na lang bigla ng parang bula

Pero one day
Isang araw
Alam ko na hindi din magtatagal at malalaman mo ang halaga ng
isang tao na pinili mong ipagpalit sa ngayo'y kasama mo..

kapag wala na sya dyan para sayo
Kapag hindi ka na niya pinapansin at hindi na sya nasasaktan ng dahil sayo

Hanggang dito nalang ang nais kong iparating saiyo
I love you mahal Ko at Miss na miss na kita...
Yan ang totoo

😢😢😢😢

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon