Akala Ko Ekaw Ay aken 😂🎶

93 3 0
                                    


Pasensya ka na mahal
Dahil ako'y nasanay
Nasanay ako na ako yong mundo mo
Kaya ngayon ako ay naninibago

Inisip kong di mo ko kaya palitan
Labis na pinangunahan
Inisip ko na ako lang
Ako lang ang iyong mahal
Kaya ngayon ay nanghihinayang

Kung noon di mo kaya mawala
Hahabulin pa nga na parang sira
Paulit ulit sasambiting ako ang iyong sinta
Na paulit ulit ko namang ipinagkakaila

Hindi pumasok saken ni minsan
Na makakakita ka ng iba at ako'y iiwan
Na mapapagod ka kakasuyo't kakahintay
At hindi lang ako ang pwede mong mahalin
Kaya tuluyan kang nawala saken

Ngayon ay nakatagpo ka ng isang tao
Nararapat sa pagmamahal mo
Tinanggap nya ang pag ibig mo
Habang ako ay nagsisisi sa nagawa sayo

Tama nga ang sabi ng matatanda
Nasa huli ang pagsisisi sinta
Pero hindi ako magiging makasarili
Hahayaan na kita maging masaya
Hindi man sa piling ko ngunit sa piling nya

🙁🙁🙁🙁

(P. S : Tamang trip lang sa title xD)

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon