Katangahan😖

149 7 4
                                    

Nahihirapan ka na pala,
Bakit nga ba pinagpapatuloy mo pa?
Ganyan mo na ba talaga sya kamahal?
Para kalimutan mo na ang sarili mo ha?

Oo mahal mo sya,pero ikaw?
Mahal ka ba?
Hindi mo ba wari,di mo pa ba dama?
Na ni kunting pagmamahal,ay wala sya sayo sinta?

Ilang beses ka pa ba nyang sasaktan?
Ilang beses ka pa ba nya ipagtatabuyan?
Upang ikaw ay matauhan
At magising na sa katotohanan?

Wala naman kase talagang kaso ang magmahal
Pero isipin mo din sana kung ito ba ay masusuklian..
Dahil ikaw lang din ang nasasaktan
Sa paulit-ulit mong katangahan

🙃🙃🙃🙃

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon