Pansamantala🙂

162 7 0
                                    

Ang tulang ito ay isinulat ko para sayo
Oo,sayo na ginawa akong pansamantala
Sa panahong meron ka pa naman palang minamahal na iba

Ito'y para din sainyong lahat
Na nagmahal ng tapat
Na di nasuklian ng pagmamahal na sainyo'y nararapat

Nagsimula ang lahat sa sitwasyong di inaasahan
Nang ikaw ay aking masilayan
Sa inyong tambayan

Mula noon araw araw ng nagagawian
Upang ikaw lang ay makita at magbaka sakaling makausap ka at makapanayam

Naglakas loob din ako nung minsan  Na ikaw ay siyang aking lapitan
Kahit alam kong imposibleng mapansin mo kailan pa man

Ngunit sa kabutihang palad ako'y napagbigyan
Naging malapit tayo sa isat isa nung ikaw ay malapitan

Ngunit di naglaon ay ako din ay kusa ng natauhan
Na ako ay kailangan mo lang
Upang iyong maging sandalan
Sa panahong ikaw ang nangangailangan

Hindi pala talaga pwedeng maging tayo
Lalo na iba naman pala ang syang mahal mo

Kaya tanong ko saaking sarili ay aasa pa ba ko?
Kung alam ko naman na na wala kong pag asa sayo.

Siguro nga makukuntento na lang ako
Na maging pansamantala mo
At least may role pa din ako dyan sa buhay mo
At hindi na kita kailangan pang iwan hanggang sa dulo at hanggang kailangan mo pa ako
Dahil sa kadahilanang ikaw pa din ang mahal ko

💙💙💙💙

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon