Clumsy Boy🤓

195 9 8
                                    


Clumsy
Yan ang bansag ko sakanya
Na kalaunan napatunayan kong totoo talaga

May isa kase akong mahal
Itago na lang naten sa pangalang *insert name*

Una kaming nagkita
Lamyain pa sya
Laging nadadapa at ngayon ay nadapa na nga sa iba

Tanggap ko sya kahit na ganon sya
Lampa at walang gana
Never akong nagsawa
Ipamukha sakanya na malakas sya

Hanggang isang araw narealize ko
Narealize ko na hindi lang pala sya lampa in person
Dahil one day isang araw kase

Nakita ko kung panu ang lampang mahal ko ay nahulog ng di sadya sa iba

Akala ko pa naman noon
Wala na kong ibang kaagaw bukod sa sahig
Kung saan madalas syang mahulog o madapa ng ganon

Pero bakit kase kailangan nya pang magpahulog sa iba?
Bakit ba kase ang pagiging clumsy nya ay pinairal pa?

Di man lang pinigilan
Loob nyang mahulog sa iba
Kaya tingnan mo ko ngayon
Ako ang kawawa..

🙄🙄🙄🙄

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon