Unconditional Love 😿

98 5 0
                                    


Kahit anong iyong gawin
Kahit pa ako ay paulit ulit na palayuin
Babalik at babalik pa rin
Kahit di na mahalin

Mag aaway ng may ilang beses
Ngunit hindi maghihiwalay
Sayo ako ay patuloy lang na kakapit
Kahit na tayo'y nag aaway

Patuloy na itatayo ko ang ating mga pangarap
Kahit na ako na lang ang nangangarap
Patuloy kitang mamahalin
Kahit pa di ka na karapat dapat sakin

Lalabanan lahat ng problema
Ng mag kasama man o mag isa
Hindi kita isusuko ng basta
Pagkat mahal na mahal kita

Ngunit kung di na talaga maiiwasan
Katapusan ng ating pagmamahalan
Sige ikaw ay akin ng papakawalan
Hahayaan kayong magmahalan

Pipiliin ang yong kaligayahan
Higit saken at sa kanino pa man
Dahil ako ay naniniwala na
Ang tunay na pagmamahal ay di makasarili kailan pa man

😞😞😞😞

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon