Ina🤱

53 6 0
                                    


Dahil ngayon nga ay araw ng mga ina
Naisipan kong sumulat ng isang tula
Isang tulang pagpapasalamat sa kanila
At pagkilala sa lahat ng kanilang nagawa.

Ina, isang salita na may tatlong letra
Bawat isa sakanila ay magkakaiba
Ngunit di dapat ipagkumpara dahilan may isang aspekto kung saan parehas sila
Yon ay ang pagmamahal nila saten na mga anak nila

Umpisahan naten ang pagpapasalamat sakanila
Mula sa pagbibigay buhay nila saten,
Kung saan tayo ay kanilang unang minahal at inaruga
Mula pa nung 9 na buwan nila tayong dinala sa sinapupunan nila

Hanggang sa tayo ay naging musmos na nga
At tanging mga pangaral nila ang ating dala dala
Hanggang sa paglaki ay ginabayan tayong talaga
Pinuno tayo ng pagmamahal at kalinga

Siguro nga ay may mga pagkakataon talaga na hindi naten sila maintidihan
Bawat salita nila minsan ay ating minamasama,
Pero sila ay ang ating mga ina, ina na di magsasawang magsabi hanggang matuto ka
At paulit ulit sasabihin sayo na ito ay hindi para sakanila

Kaya maraming salamat ina
Sa mga kabutihang iyong ginawa,
Salamat sa pagiging ilaw ng ating tahanan
Gabay sa bawat yugto ng aming buhay at pagiging kaagapay.

Ina, lagi mo sanang tatandaan na ikaw ay aming mahal.
Hindi man araw araw na ito ay sabihin
Pero ito ang bagay na hindi na maiaalis saken.

Kaya sana ay mahalin din natin sila ng walang katapusan
Tulad ng pagmamahal nilang wala ding hangganan
Sabay sabay nating ipagdiwang ang araw na to
At ipagmalaki ang mga ina nateng mahal na mahal tayo.

Happy Mothers Day po sainyong lahat

💐💐💐💐

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon