Ang Hirap Tanggapin💔

151 8 0
                                    


Marami tayong pangarap
Na ngayon alam kong malabo ng matupad
Pangarap na para sana saateng hinaharap
Na iyong isinaboy na sa alapaap

Unti unting nagkalabuan
Sa dahilang di ko maintindihan
Ano bang naging problema naten irog ko?
Bakit ako iyong iniwan at binigo?

Bakit ka nagsawa at bakit pa nagloko?
Hindi ba talaga ako naging sapat sa iyo?
Wala na ba talaga ang tayo na binuo kahit minsan ng ikaw at ako
Talaga nga bang pag ibig sa isat isa ngayon ay kusa ng naglaho?

Mahal,hindi ko pa din matanggap
Na lahat ay matatapon lang sa kawalan
Na lahat ay mapapawi sa isang iglap lang
Ang sakit sakit mahal,mawalan ng taong minamahal

🙁🙁🙁🙁

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon