Goals👫

74 3 2
                                    


Dahan dahan naglalakad
Kasama ng aking mga magulang
Sila ay tuwang tuwa
Dahil sa wakas naabot ko na ang aking pangarap

Akay akay ng aking inang umiiyak
Akay akay ng aking amang naluluha
Papunta sayo dahil sa wakas
Naabot din naten ang gusto naten sating buhay

Masayang masaya ang lahat sa paligid
Masayang masaya para saating nakamit
Alam ko mahal na masayang masaya ka din
Kitang kita ko ito sa mga mata mo ngayon na nakatitig saakin

Di ba ito ang pangarap mo?
Di ba ito ang pangarap ko?
Di ba ito ang pangarap na ating binuo?
O di ba, sabi ko naman sayo makukuha nateng dalawa to

Tayo'y nagpatuloy sa paglakad
Magkasamang tumuntong sa stage ng ating pangarap
Dahil pangalan naten ay magkasunod din lamang
Kaya hawak kamay kinuha nateng sabay ang ating mga diploma

Ngayon may masasabi na ko sakanila
Masasabi ko na saaking ina na talaga nga namang worth it ka
Na hindi ka tulad ng ibang kilala nila
Na puro kapusukan ang pinapairal sa mga buhay nila

Mahal, sobra sobrang saya ang nadarama ko alam mo ba?
Dahil dumating na ang araw na mapapatunayan naten na
Hindi hadlang ang pag ibig sa pagkamit ng ating mga pangarap
Sa halip maaring ito pa ang makatulong sayo upang makuha ang nais mo sa buhay

🎓🎓🎓🎓

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon