Oras🕰

90 5 0
                                    


Nung ako ay nasaktan
Ako ay pinayuhan
Oras, oras daw ang katapat
Ng lahat ng bagay

Kaya ako ay nag intay
Ng maraming araw at buwan
Maraming oras ang pinalipas
Para ikaw ay makalimutan

Ngayon, matapos ang ilang buwan o taon
Ika'y bumalik ng sabik na sabik isang araw
Ni wala pang isang segundo
Tanga na naman tong puso kong sayo lang

Ano nang nangyare sa pinaghirapan ko?
Nakakadarang talaga ang presensya mo
Wala pang ilang buwan nakuha mo na naman ako
Ngayon babalik na naman ako sa inumpisahan ko

Susubukan ko na naman ngayon
Ngayon na kalimutan ka
Sana pala di na tinanggap pa
Edi sana oras ng pagpapakasakit ay tapos na noon pa

🙁🙁🙁🙁

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon