Di Naman Laro👀

74 5 0
                                    

Sa pagkakatanda ko
Ay hindi naman tayo naglalaro
Ngunit ang di ko maintindihan
Bat ako'y iyong linilisan

Tuwing ikaw ay lalapitan
Hindi ko maintindihan
Bakit ka tumatakbo
Bakit ako'y iniiwasan mo

Tila ba tayo ay mga batang naglalaro
Naghahabulan kung san man patutungo
Habol dito,habol doon gawain ko
Para lang ika'y maabutan sa dulo

O di kaya'y kung di habulan ang trip mo
Ikaw sakin ay nakikipag patintero
Pagmakakasalubong ka
Ikaw ay iwas na iwas ng husto

Bakit ka ba ganyan
Napapagod na ko
Kelan ba hihinto
Ang laro natin na to

😩😩😩😩

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon