Crush😀

455 17 7
                                    


Nakilala kita ng hindi sinasadya
ang iyong galing sa paggitara ang pumukaw sa aking diwa
at ako'y namangha ng malaman na magaling  ka din palang magtula
at doon nagsimula ang storya

ikaw ay nagpakilala
ngunit hindi ko maalala
kaya ako ay gumawa ng paraan
para mahanap ang iyong pangalan
at sobrang saya ng aking nadarama
dahil sa wakas ay nalaman ko na

at nalungkot ng malaman na hindi tayo parehas ng baitang
ngunit hindi iyon naging hadlang para ikaw ay silayan

Nalaman ko na ika'y may kakambal
dahil sa kaibigan kong sobrang daldal
kaya hindi naging madaling malaman kung sino ka nga ba sainyong dalawa

Sa araw-araw na tayo'y nagkikita nalalaman ko na kung ano nga ba talaga ang inyong pinagkaiba
dahil kapag ikaw ang aking nakikita
iba ang aking nadarama---na tila nagdudulot sa akin ng kilig at kaba

Lumipas pa ang oras, araw at buwan
at hindi na mapigilan ang nararamdaman
hindi ko alam pero sa bawat araw na dumadaan
iba't iba ang aking nararamdaman

At dumating sa punto na ikaw ay hindi mawala sa isipan ko
at iba na ang epekto ko sayo
na para bang ako'y iyong isang idolo

Sabi ng kaibigan ko "wala ka'ng pag-asa dun"
Oo alam ko na sa una palang
wala na akong pag-asa sayo
dahil sobrang gwapo mo
at madaming nagkakagusto sa'yo
pero hindi iyon naging hadlang para ako'y tumigil sa kakasilay sa'yo

At paulit ulit nag-laro sa aking isipan
ang sinabi ng aking kaibigan
alam kong mahirap ng pigilan
ang aking nararamdaman
ngunit kelangan

💔💔💔💔

POEMS FROM THE HEART ❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon