Arianne Pov
"Arianne gising na! Malilintikan ka talaga ni sir David!"
Argh! Ang sarap-sarap nang tulog ko tapos ito si Joane sigaw nang sigaw.
Dahil sa inis ko napaupo ako sa kama ko at bad trip na tinignan si ate Joane.
Pakiramdam ko ay masusuka ako dahil sa sakit nang ulo ko nag-inuman pala kami kahapon ni Bryle."Hoy Arianne! Huwag mo nga akong tignan nang ganiyan! Kung makatitig ka...umaasta ka na kuwarto mo ito."
"Bakit? Kuwarto ko naman ito at..."
Hindi pa natatapos ang sasabihin ko nang pinandilitan ako nito kaya nilibot ko ang mga mata ko hanngang sa unti-unting nag sink-in sa utak ko na hindi pala ito ang kuwarto kundi sa amo kung ubod nang sungit sa akin na ang sarap ipakain sa buwaya!
"See? Dahil sa kalasingan mo kung saan-saan kana humihiga."
"Argh! Ang sakit nang ulo ko...huhuhu!"
"Tss. Ginusto mo yan kaya huwag ka ngang magmaktul diyan! Pasalamat ka hindi nakauwi kagabi si sir David dahil kung naabutan ka niya dito naku! Sinasabi ko sayo baka sa labas kita na nadatnan ngayon."
Napaisip naman ako sa sinabi nito kung hindi nakauwi kagabi si David eh, sino ang taong humalik sa noo ko kagabi. Sa naaalala ko hapon ako nakapunta dito.
Nagulat ako nang kurutin ni ate Joane ang taenga dahilan para matigil ang iniisip ko.
"Naghahalucinate ka nanaman?! Ikaw talaga partner pinag-alala mo ako maghapon kaya kitang hinanap. Akala ko lumayas kana sa mansiyong ito, nandito kalang pala sa
kuwarto ni sir David.""Layas agad? Hindi puwedeng nawala lang nang landas! OA niyo teh!"
"Hahaha.. Ikaw talaga halika na nga kumain na tayo alam kung ginugutom na yang mga alaga mo sa loob! Linasing mo kasi kagabi."
Tumayo na ako at inayos ang hinigaan ko. Grabe! Sakit sa brain kakaisip sa nangyari kahapon.
Pagkatapos kong kumain nang umagahan ay nag-ayos na ako.
Pumunta ako sa may harden na nakita ko naman si baby Annie na kalaro si Cennit.Tatawagin ko na sana si baby Annie nang may tumawag sa akin.
"Arianne!"
"Bakit po, nay Benda?"
"Ikaw na ang magbigay nito kay sir David sa opisina niya."
Sabay bigay sa akin nang folder na may lamang mga papel na importante.
"Si Tasyo ang kasama mo papunta doon. Ingatan mo iyan hija, napakaimportante niyan."
"Opo."
~
Habang nasa byahe kami ay panay tanong naman ako kay mang Tasyo.
"Matagal pa ba?"
"Medyo hija, mukhang excited kang makapunta sa opisina ni sir David."
"First time ko po kasi mang Tasyo! Ikaw talaga kung ano-ano ang iniisip mo."
"Hahahaha..."
Nang makarating na kami ay napanganga ako sa sobrang laki nang kompanya sa mga telenobela lang kasi ako nito nakakakita nang ganitong kataas na gusali.
"Seryoso? Pagmamay-ari ito lahat ni David?"
Hindi ko makapaniwalang tanong napangiti naman si mang Tasyo tsaka tumago.
"Tsk! Ang yaman pero ang sungit naman nang amo natin."
"Hahaha... hindi naman masungit si sir David may pinagdadaanan lang kaya ganiyan siya."
BINABASA MO ANG
Forget Him
RomanceHave you ever been love? Horrible isn't it? It makes vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it's means that someone can get inside you and mess you up. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you c...