Chapter 6: ( When he Drunk )

25 13 1
                                    

Ate Arianne!

Ate Arianne!

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni baby Annie.

Bigla ko itong yinakap nang mahigpit.
"Shit! Pinaka mo ako baby Annie.."
Medyo pumiyok kong sabi.

"Sorry ate Arianne, may nakikila pa kasi akong stranger na guy at binigyan niya ako nito."
Sabay pakita sa akin nang susi na ikinagulat ko naman.

"Huh? Ba..bakit ka binigyan nang susi?"
Nagtataka na tanong ko biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang marinig ko ang sinabi nito.

"Sabi niya kasi mahahanap ko po da'w ang hinahanap ko kapag hawak ko ito at totoo nga ang sinabi niya!"
Masaya na sabi nito na ikinalungkot ko.

"LOVIEYAH!!!"

Tawag nito kay David na ngayon ay nakanoot noong lumapit sa akin.

"Are you okay?"
Tanong nito kay baby Annie na kitang-kita ko dito sa mga mata ang pag-aalala.

Nauna na sana akong maglakad dahil sinasanay ko na ang sarili na huwag masiyadong maging malapit sa kanila dahil baka tama nga si David masiyado na akong fc sa pamilya nila.

Bawat paghakbang ko ay iniinda ko ang sakit nang katawan ko, mahirap na pagsabihan pa ako nitong tanga o di kaya malandi at maarte.

"Arianne."

Tawag nito sa akin pero hindi ko ito pinansin mamaya sabihin nanaman niyang uto-uto ako.

Nagulat ako nang naramdaman ko ang kamay nito sa braso ko pero this time ay hindi na ito diniinan. Pansin kong nakatingin pa ito sa braso ko.

"Okay lang ako, mamaya sabihan mo nanaman na sipsip ako sayo."
Sabay tanggal ko sa kamay nito na nakahawak sa braso ko.

Lumakad na ako nang biglang may nagbibike nang mabilis na papalapit na sa kinaroroonan ko.
Nang biglang may humatak sa akin hanggang sa ramdam ko ang mabilis na paglampas nito sa harapan ko.

Napapikit nalang ako nang maramdaman ko na nakasandal pala ako sa dibdib ni David na inaakala kong pader. Amoy ko ang mamahalin nitong pabango dahan dahan akong dumilat at naiilang na tumingin dito. Tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakakapit sa damit nito at medyo lumayo ako nang kaunti masiyado kasi kaming malapit sa isa't-isa.

"Sa..salamat."
Nauutal na sabi ko dahil hanggang ngayon ay mabilis parin ang tibok nang puso ko dahil sa pangyayari kanina.

"See ate Arianne? Lovieyah was a hero also hehehe."
Pumapalakpak na sabi nito na ewan mukhang nakaramdam ako nang kilig sa sinabi ni baby Annie. Pero malay natin pakitang tae lang itong si David dahil may kasama kaming bata.

"Tss."

Sabay karga nito sa akin na para bang bagong kasal na ikinabigla ko naman.

"Ibaba mo nga ako David!"
Bulong ko dito na diniinan ko pa ang pagkakasabi ko.

Pero ang mokong ay nagpatuloy lang sa paglalakad na parang walang naririnig.
"Ibaba mo ako sa-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil tinignan ako nito nang masama kaya napaawang nalang ang bibig ko.

~

Habang nasa byahe kami ay panay ngiti si baby Annie habang nakatutok ang mga mata sa camera nito.
Hindi ko lang ito pinansin dahil mukhang ayaw nitong magpaistorbo.
Pasimple akong tumingin kay David habang nagmamaneho hindi ko inaasayan na gagawin niya iyon.
Habang tinititigan ko ito ay nakaramdam ako nang saya na ipinagtataka ko kung bakit.
Iniwas ko ang tingin ko dito mamaya maabutan nanaman ako nitong nakatitig sa kaniya mahirap na!

Forget HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon