Timigil muna ako sa may waiting shed dahil nakakapagod nang maglakad. Gumagabi na pero hindi ko parin alam kung saan ang distinasyon ko.
Sino naman ang magpapasakay sakin eh, kahit pisong duling wala ako at kung mayroon man malamang nasa bulsa na ni auntie ang pera ganun siya kayaman.
Mayaman naman siya sa pang-aagaw nang iba!Nang may tumigil na jeep mismo sa harapan ko ay lumabas ang driver dahil mukhang naiihi pa ito.
Paano kaya kung makihits nalang ako tutal wala namang mga pasahero ahm...
TAMA!
Pasimple akong naglakad patungo sa may jeep para tingnan ito.
Napadasal nalang ako bago pumasok sa loob, jusko nawa'y patawarin ninyo po ako...
Dahil ang kulit nang konsensiya ko bababa na sana ako sakto naman ang pagpasok nang driver.
Kaya mabilis akong nakipagsiksiksikan sa mga gulay mabuti nalang na walang ilaw sa tinataguan ko sa harapan lang kasi ang mayroon kaya mabilis kong naitabi ang maleta ko.Hanggang sa napapikit nalang ako ang bigat nang nararamdaman ko ngayon pakiramdam ko lalagnatin yata ako.
Hindi naman sa lovesick ako sa mokong na yon! Totoo talagang mabigat ang pakiramdam ko.
~~
Iuunat ko na sana ang kamay ko nang mabunggo ito sa matigas ba bagay.
"Awh!"
Mahinang bulong ko."HOY GISING!!!"
"GISING!!"
Mabilis akong napamulat nang may narinig akong sumigaw at ako pa yata ang sinisigawan!
Nang dahil narin sa gulat ay napatayo ako dahilan para mauntog ako. Pakiramdam ko tuloy gotcha na ang beauty ko ngayon. Chos lang!
Tsaka ko lang nalaman na nasa loob pala ako nang jeep, napahawak nalang ako sa leeg parang may nakabara kasing kaba kaya hindi ako makapagsalita.
"Kaygandang dalaga Erwin siya naba ang katulong na sinasabi mo?"
Sabi nang babae na kaedad lang ni nay Flor sa palagay ko isa rin siyang kasambahay dahil sa kasuotan nito.
Medyo napakunot pa ang noo ni manong driver dahil sa sinabi nito at hindi pa makaget-over si manong driver sa pangyayari."Ah...oo ako nga po ang namamasukan bilang kasambahay..."
Inunahan ko na si manong sa pagsasalita mahirap na ilaglag pa ako nito. Hindi na ito nakaangal pa mukhang nauunawan naman nito ang kalagayan ko."Oh..segi hija, pagbutihin mo nalang ang iyong trabaho."
Sabi ni manong driver sabay bigay sa akin nang maleta ko.
"Huwag kayong mag-alala manong babayaran ko po kayo sa unang sahod ko."
Mahinang bulong ko nang makalapit ito."Naku! Hija, okay lang basta ba sa susunod magpapa-alam kana kapag sasakay ka."
Pagbibiro nito na ikinangiti ko.
"Mauna na ako Aling Benda.."
"Oh..segi Erwin ako nang bahala dito."
Nang mapaalis na si manong ay napahinga nalang ako nang malalim sa mga kalokohang ginawa ko, mabuti nalang at nauunawaan ako ni manong.
"May problema ba hija?"
Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita si nay Benda.
"Wala naman po, may naalala lang."
Hindi masama ang ugali ko marunong naman ako gumalang sa taong maayos ang pakikitungo sa akin.
Kung plastik ka! Mas plastik ako! Kaya pasyensiyahan nalang tayo!
Hindi naman ako santo no'h! Tao lang din ako nagkakamali.
BINABASA MO ANG
Forget Him
RomanceHave you ever been love? Horrible isn't it? It makes vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it's means that someone can get inside you and mess you up. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you c...