Her Pov
Bumangon na ako sa higaan ko kahit puyat pa ako, hindi kasi ako makatulog nang maayos dahil sa nangyari kagabi.
Pagkatapos kung linisin ang kuwarto ko ay tinignan ko ang maliit na orasan na nakasabit sa may dingding."5:20"
Bulong ko sa sarili kaya bumaba na ako para tulungan si aling Benda sa pagluluto.
Gusto ko kasing tumulong kahit hindi iyon ang nakaassign sa akin at isa pa hindi pa naman gising si baby Annie.Tumingin muna ako sa paligid nang mapansin kung wala pang tao ay mabilis akong umupo sa pagkalambot-lambot na couch.
Hindi naman sa wala ito sa bahay iba ngalang iyon dahil may katigasan iyon nang kunti hehehe...
"Cancel it."
Bigla nanaman akong kinabahan sa boses na iyon kaya nagmamadali akong tumago sa ilalim nang upuan. Pinagkasya ko talaga ang sarili ko amputs! Ang sakit sa likod. Hanggang sa narinig ko ang mga yapak niya na papalapit ito sa kinaroonan ko.
"Tss."
Rinig kong singhal nito
Nang sumilip ako ay saktong nagtapo ang mga tingin namin dahil nasa harapan ko na pala ito.
Dug...dug...dug..
Shit! Kinakabahan ako sa mga titig niya, gagantihan niya rin ba ako?
Ako ang unang umiwas nang tingin umalis na ako sa ilalim nang couch at nahihiyang tumayo.
"Follow me."
Nakatalikod na nitong sabi at naglakad kaya nakasunod ako sa likuran nito.
Inunat ko pa ang mga kamay ko dahil nangangalay kasi ito.Habang umaakyat kami sa may hagdan ay ramdam ko parin ang galit nito.
Hanggang sa nilampasan na namin ang kuwarto niya at tumigil ito kaya napahinto rin ako.
Nang tumigil kami sa may glass na itim, may pinindot ito
at bumukas ito.
Napanganga naman ako dahil sa pagkakamangha hindi ko alam na may elevator pala sila dito, kakaiba kasi ito hindi katulad nang nakikita ko sa mga mall .
Akala ko design lang ito at ang mga pindutan naman ay pang ilaw o ano pa.Pumasok na ito sa loob nang elevator nagdadalawang isip naman ako kung papasok rin ba ako.
"Ahh... maghahagdan nalang ako."
Naiilang na sabi ko mabuti nang nagpapaalam dahil kung pumasok ako baka itulak pa ako nito. Tumalikod na ako maglalakad na sana ako nang bigla ako nitong hinablot kaya nakapasok tuloy ako.
Hanggang sa unti-unti na itong sumirado napakagat nalang ako sa labi. Pinagmasdan ko lang ang likod ni David nasa harapan ko kasi ito.
Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko kakaboring kasi.Ting!
Bumukas na ito naglakad na kami papunta sa opisina niya.
Nang makapasok na kami sa opisina niya ay ako na ang nagsirado nang pinto.
Umupo ito at tinignan ako na parang pati buhay niya ay sinira ko.
Nagsorry na nga ako kainis! Anong akala niya sa akin papadaig ako sa kaniya? No way!"You know what your stupid."
"I know, kaya nga ako nga ako pinaglaruan nang pinsan kung bakulaw at ex ko."
Nakangiti kong sabi pero nasasaktan parin ako sa ginawa nila sa akin.
Paglaruan ko nga itong amo ko na ubod nang kasungitan."Kung hindi mo kaya ang trabaho mo nang walang kasabay na katangahan, mas nakakabuting umalis kana lang."
"Hindi ko kayang magtrabaho nang walang halong katangahan kasi halos lahat nang pangyayari sa buhay ko ay kinaya ko na
may halong kapalpakan at katarantaduhan."
BINABASA MO ANG
Forget Him
RomanceHave you ever been love? Horrible isn't it? It makes vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it's means that someone can get inside you and mess you up. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you c...