Chapter 7: ( Happy or Not? )

24 11 0
                                    


Her Pov

Nang makababa na ako ay nakita kong kumakakin ang dalawa. Nasaan kaya si David?

"Good morning ate Arianne/ Good morning Arianne."

Sabay na pagbati nang dalawa sa akin kaya bumati rin ako.

"Good morning din."

Hindi parin mawaglit sa isip ko kung bakit hindi nila kasabay si David sa umagahan.

"May hinahanap kaba Arianne?"

"Wa..wala. Naninibago lang ako na hindi niyo kasabay ang kuya niyo."

Tumango tango naman si Bryle habang umiinom nang tubig.

"Balik trabaho nanaman si kuya David alam mo na, ilang araw din siyang nawala sa trabaho."

"Ahh, ganun ba."
Patango tango na sagot ko. Kaya ba siya naglasing kagabi dahil back to work nanaman siya at paparty na rin niya sa sarili. Tsk! Kung ganun nga bakit pati ako ay dinamay pa niya sa kalasingan niya.

"Oh? Ba't parang nalulungkot ka diyan? Do you miss him?"

Pang-aasar sa akin ni Bryle ako nalulungkot eh, masaya nga ako dahil wala na ang mokong na iyon.

"Tse! Hindi kumakain ka na ngalang diyan."

Nagwalk-out na ako para magsimula nang maglinis kinuha ko ang picture frames at maingat ko itong pinupunasan.
Napangiti ako habang pinupunasan ang ganda kasi nang babae na nasa larawan na nakangiti pa kaya nadadala ako.

Tinignan ko ito nang mabuti medyo pamilyar kasi ang mukha nito sa akin na ewan hindi ko maalala kung saan ko ba ito nakita.
Pansin kong mga larawan lang ni baby Annie at ni Bryle ang nakadisplay.
Tsk! Pati ba naman mga picture niya ayaw ipakita. Ang selfish talaga ni David.
Nakaagaw pansin naman sa akin ang malaheganting picture frame na nakangiti ang lolo yata nila at si Bryle na karga pa si baby Annie hinanap naman nang mga mata ko si David pero wala talaga ito sa larawan.

"Ako na ang bahala maglinis dito Arianne. Doon ka nalang sa kuwarto ni sir David."

Pag-uutos sa akin ni ate Joane na ikinatigil ko naman ang pag-obserba ko sa mga larawan.

"Ahmm.. bakit ako?"
Nagtataka na tanong ko simula kasi ang aksedenting makurot ko si David ay pinagbawalan na ako nitong pumasok sa kuwarto niya.

"Aarte pa eh, kinikilig kanaman! Si sir David lang naman ang pumili sayo na maglinis sa kuwarto niya pero siguraduhin mo lang na tapos na ang paglilinis mo kapag nandito na si sir David. Nagkakaintindihan ba tayo partner?"

Napatango ako wala akong masabi na ako ang pinili niya.

"Intindi! Partner."

Nang makapasok na ako sa loob nang kuwarto ni David ay napangiwi ako sa nadatnan ko.
Ang dami kasing mga basag na bote at baso na wala naman ito kagabi.
Nakakapagtaka talaga itong si David siguro heartbroken ang loko.
Sinimulan ko na ang pagliligpit nang mga bubog at ang mga nasayang na wine.

Pagkatapos kung magligpit ay napahiga ako sa kama nito at dinama ang lambot nito.

"Hmm..Ang sarap naman matulog dito."

Nang maramdaman kong may matigas na parte sa may ulo ko kaya tinanggal ko muna ang makapal na kumot at kinuha ang matigas na bagay sa ilalim nang ulunan.

Nagulat ako nang makita ko ang babaeng nasa litrato.
Ramdam ko ang pang-iinit nang mata ko na anytime ay babagsak na ang mga luha ko.

"Gaile?"
Mahinang tanong ko sa litrato na ngayon ay yakap yakap ko na ang picture frame.
Si Gaile ay ang kaisa-isang
bestfriend ko simula pa noong bata ako nagkahiwalay lang kami nang umalis sila sa lugar namin.

Ang laki nang pinagbago ni Gaile mas lalo itong gumanda
at halatang asensado na sa buhay.
Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Nalipat ang tingin ko kay David na nakangiti ito habang nakaakbay kay Gaile at halatang mahal na mahal nito ang bestfriend ko.

Siguro mabait lang si David sa taong mahal niya napangiti ako sa naiisip ko kahit papaano ay masuwerte parin ang bestfriend ko.

Masaya ako pero bakit ang lungkot ko?
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dapat masaya ako dahil nakita ko na siya pero ba't parang may mali akong nakikita na ewan ko kung bakit.

Bakit parang pakiramdam ko ay nasaktan nanaman ako nang hindi ko malaman kung ano ang dahilan.

Forget HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon