Arianne PovNandito ako ngayon sa kuwarto ni David dahil ngayon ang simula nang araw ko sa paghahanap nang kahon na sabi pa nito sa akin kanina na huwag na daw akong maglinis at maghanap nalang daw ako nang kahon buong araw.
Kasama ko si David sa paghahanap dahil nagleave ito nang one month para lang sa maliit na kahon.
Hindi kami nito nagpapansinan dahil abala kami sa isat-isa sa paghahanap sa kahon.
Nagkakalat na nga sa loob dahil sa paghahalungkat nang mga gamit.Hanap ako nang hanap sa kahon na iyon pero hindi ko pa nalalaman kung ano ba ito sa buhay niya at kung gaano kaimportante ito sa kaniya.
Nagagawa niyang mag leave nang one month para lang sa isang maliit na kahon pero kay baby Annie kahit limang araw na leave hindi niya magawa.
"Hayyy."
Sabay hikab ko ang unfair talaga niya.
"Let's take a rest for a while."
Sabi nito na mukhang pansin yata nito na napupuyat ako kahit hapon palang, masiyado kasing boring at ang tahimik pa dito sa loob.
Umupo ito sa couch na hinihilot-hilot pa nito ang noo na halatang pagod na rin ito.
Inilibot ko nalang ang tingin ko dahil sa nakikita ko tinatagan ko ang loob ko na lumapit dito kahit inis na inis parin ako rito.
"Okay lang iyan. Huwag kang mag-alala mahahanap natin yang kahon na yan."
Pagpapalakas loob ko dito. Umupo na rin ako sa tabi nito wala naman yatang malisya doon dahil sa mga oras na ito ay ang hiling ko ang nakaalalay dito kapag nakita ko ang kahon na iyon.
"Tss. I will never give up, Arianne to find that box."
"Alam ko. Kung sakaling mag one month na hindi pa natin ito nahahanap. Huwag kang mag-alala may kakilala akong manghuhula na magaling at magpapatulong ako sa kaniya."
"Thanks Arianne. "
Dug.dug.dug
Malungkot na sabi ni David sabay sandal nito sa couch na ikinatitig ko naman dito.
"Ahm... David..."
"Hhmm..."
"Puwede magtanong?"
"Say it."
Nakapikit parin na sabi nito napahinga naman ako nang malalim bago magsalita.
"Bakit napakaimportante nang kahon na iyon para sayo? May laman ba iyon na ginto? O baka naman may insekto sa loob nun na umaanak nang itlog na ginto kaya ayaw mong mawala iyon sa buhay mo tsa---."
"Ahw!"
Pitikin ba naman ang noo ko na hinipo-hipo ko naman ito. Ang sakit kaya!
"Ang daldal mo talaga."
Sabay ngiti nito nang malungkot na ngayon ay hindi na nakapikit."Eh, bakit nga?"
"That box is very important to my life. Mas mahal pa iyon kaysa sa buhay mo ka---"
"Wow! Grabe ka sa akin! Maraming mga tao na puwede mong e example ako pa talaga!"
Putol ko sa sasabihin nito."Gusto mo bang ipagpatuloy ko ang sasabihin ko?"
"Oo naman!"
"Puwes manahimik ka!"
"Okay."
Sumandal naman ito ulit at ipinikit ang mga mata muli.
BINABASA MO ANG
Forget Him
RomanceHave you ever been love? Horrible isn't it? It makes vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it's means that someone can get inside you and mess you up. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you c...