Her Pov
"Letse kang bata ka! Umalis ka sa pamamahay ko! Isa kang hamak na palamunin! Pabigat! Nagawa mo pa talagang ipagkalat sa buong bayan na inagaw ni Irish ang nobyo mo!
Wala kang hiya sa pinsan mo!"Pagtataboy sa akin ni auntie Glenda na halos magkaputol-putol na ang ugat dahil sa kakasigaw.
Ibinaling ko ang tingin ko sa pinsan kong reyna nang kasinungalingan as usual gumawa nanaman nang paraan para mapaalis ako sa sarili kong pamamahay.
Sarap nilang paguntugin! Buweset! Mag-ina nga talaga sila!
Ang kapal nilang palayasin ako sa pamamahay ko itsura!"Ano?! Ipagmamalaki mo nanaman na pagmamay-ari mo itong bahay?! Hoy! Arianne simula nang bata kapa ako na ang nag-alaga sayo kaya dapat lang na ako ang mag may-ari nito! Kunting hiya naman diyan sa kukuti mo!"
Galit na sigaw nito sabay hagis nang maleta at wow lang nasa loob na ang mga damit ko pinaghandaan talaga ni insan ang araw na toh.
"Edi, aalis na ako! Kainin mo na ang lupa at lunukin ang bahay para naman kahit paano sabihin niyong may hiya ako."
Inis na sagot ko marami na ang mga tao sa paligid na para bang abang na abang sa laban ni ema at ni jeorja.
"Abat!..."
"Mama tama na, hayaan na natin na umalis si Arianne."
Baitbaitan nitong sabi kung ilampaso ko kaya siya sa mukha nang ex kong mukhang sahig.
Bagay nga talaga sa kanila dahil paniguradong kapit na kapit ang panloloko't pagtatraydor nila sa akin.
Hmmp!Napatigil sa kakasigaw si auntie nang inabutan ito nang telepono ni nay Flor na kaisa-isang kasambahay.
Itinuturing ko siyang nanay-nanayan ko dahil halos siya na ang nagpalaki sa akin.Alangan naman na si auntie ang nagpalaki sa akin itsura! Eh, halos siya nga ang dahilan nang lahat nang paghihirap ko sa buhay.
Kinuha ko na ang maleta na nakatumba sa harapan ko tutulungan na sana ako ni nay Flor nang pagbantaan ito nang pinsan kung bakulaw kaya natakot naman ito. Nginitian ko nalang si nay Flor senyalis na kaya ko na.
Hindi ko na hinintay pang magkita nanaman kami ni auntie dahil busy ito sa pakikipag-usap sa telepono.
"Hahahaha! Agad-agad Mr. Salvatoure?"
Tsk! Malakas nitong tawa na nagparindi naman sa taenga ko, paniguradong isa naman ito sa mga mayayaman nitong mga kaibigan na tanging siya lang naman ang peke!
Nagsimula na akong maglakad nang may humawak sa braso ko na ikinagulat ko.
"Ay peke!"
Gulat na sabi ko na nakahawak pa sa dibdib."Paumanhin, kong nagulat kita hija..."
Malungkot na sabi ni nay Flor na nakatingin lang sa hawak kung maleta. Napahinga muna ako nang malalim bago magsalita.
"Okay lang ako, nay Flor tsaka kaya ko na ang sarili ko. Maghahanap ako nang mapapasukan na trabaho."
Determinadong pagkakasambit ko.Narinig ko nalang ang malalim na paghinga ni nay Flor na halatang hindi talaga pabor sa gusto ko.
"Hindi ako aalis para basta-basta nalang susuko nalang nay Flor, hindi rin ako aalis para angkinin nila ang hindi nila pagmamay-ari. Aalis ako para mapatunayan... sa kanila na hindi lahat nang pagkatao... ko Eh, pagtapaktapakan nalang nila."
Lumuluha kong sabi na hinawakan lang nito ang kaliwang kamay ko.
"Segi hija, pero ipangako mo sa akin na tatawag ka huh. Alam mo naman na ayokong hindi nagpaparamdam ang alaga ko at alam mo naman na nangako ako sa mga magulang mo na aalagaan kita..."
Napatango ako sa sinabi nito dahil alam kung nangako ito kina mommy bago sila mawala sa mundong ito.
"Ikaw narin ang bahala sa bahay..."
"YAYA FLOR!!!"
"Oo, hija...mauuna na ako basta mag-iingat ka.."
Halos madapa pa si nay Flor dahil sa pagmamadali kaya tiniis ko nalang ang inis ko sa insan kung bakulaw.
Habang naglalakad ako sa gilid nang kalsada may kotse na kanina pa busina nang busina sa likuran ko.
Beep!!!
Beep!!!
Beep!!!
Nanlisik ang mga mata ko nang makita ko ang kotseng sumusunod sa akin.
Ang kupal talaga nang mokong na ito!
Hindi manlang nahiya sa mga ginawa niya sa akin!
Shit siya! Ang sarap niyang ipasalvage sa San Juanico Bridge!"Wait lang Arianne!"
Tawag nito na nasa gilid na ang sasakyan.
Binilisan ko pa ang paglalakad ko.
Anong sabi niya hintayin ko siya?
Baliw ba siya o nagkaamnesia siya nang ilang araw. Eh, siya nga itong hindi nakapaghintay at ang pinsan ko pa ang nilandi niya.
Wow lang huh! Edi siya na ang walang kuwenta sa mundong ito!"Arianne please... mag-usap naman tayo oh.."
Nagmamakaawa na sabi ni Randel Santos na ex ko.
Huwag na kayong magtaka kung bakit ipinakilala ko ang mokong dahil para naman aware kayo sa katulad niyang manloloko edi, nakatulong pa ako!Nagulat ako na nasa harapan ko na si Randel. Wow! Ang bilis naman niya tulad nang panloloko niya sa akin.
Shit siya!"Arianne please... pakinggan mo muna ako--"
"Tapos ano? Pagkatapos nating mag-usap back to the sweet shitness tayo?!
Tapos mafafall ako ulit sayo at pagkatapos.. okay na tayo na parang walang nangyaring pagtatraydor niyo sa akin ni insan! Yun ba sa tingin mo ang mangyayari kung sakaling pumayag akong makipag-usap sayo?!
ANG SAYA! Kasi advance ako mag-isip!"Napahawak ito sa sentido niya na para bang siya pa ang nasasaktan itsura!
Galing niyang actor!"Ikaw pa itong inis?! Huwag ako Randel! Dahil ikaw narin ang gumawa nang paraan para hindi na magtiwala ito sayo. Kung nakakamatay lang ang panloloko malamang isa kana sa mga tigok ngayon!"
Sabay turo ko sa dibdib at nagwalk-out. Nahuli ko na nga siyang nakikipaghalikan kay insan magpapalusot pa!
Hays, mabilis ko pa sana siyang mapapatawad kung umaamin siya kaysa naman na nahuli ko na nga sila tapos magsisinungaling pa!
Tsk. Naramdaman ko nalang na tumutulo na pala ang mga luha ko.
Inis ko itong pinusan gamit ang mga palad ko kainis kala ko pa naman first love is mean to be pero ba't parang first love is not meant to be pa ang nangyayari sa akin.
Fight lang! Arianne makakamove on karin sa kaniya.Hays, ito na ba ang ending nang love story ko?
BINABASA MO ANG
Forget Him
RomanceHave you ever been love? Horrible isn't it? It makes vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it's means that someone can get inside you and mess you up. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you c...