Chapter 14: ( One Wish )

2 0 0
                                    


 Dedicated to: Anna_Marie_Maratamention a user

Arianne Pov

Napamulat ako nang maramdaman kung may dalawang matang nakatitig sa akin.

David? Napakurap-kurap pa ako kung siya nga talaga ang nakikita ko.
Nang makasigurado ako na siya talaga ay dali-dali akong napaupo sa higaan ko kahit na inaantok pa ako.

"Ba...bakit ka nandito?"

Nauutal na tanong ko dito na mukhang siya pa itong naiinis. 

Ano nanaman ba ang kailangan nang mokong na ito?

"Tsk. Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo kahapon?"

Bakit ano ba ang sinabi ko sayo kahapon?

Aga na aga iniimbyerna ako nang mokong na ito! Kung kailan ang sarap nang tulog saka naman may sagabal. 

Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay tinaasan lamang ako nito nang kilay.

Hanggang sa naalala ko ang sinabi ko kahapon dito na gagawin ko lahat nang gusto nito dahil lang sa nakipagkita ako kay Randel.

"Eh, ano naman ngayon? Bakit ka pumapasok sa kuwarto ko nang walang paalam?"

"So what? Just make me a coffee now."

Halos nanlumo ako sa sinabi nito pumunta lang ba siya dito nang ganito kaaga para lang ipagtempla siya nang kape?!

"Nang ganito kaaga ? Alas singko palang at madilim pa kaya matulog ka muna doon  sa kuwarto mo!"

"So umaayaw ka?! "

"Hi..hindi naman sa ganun. Pe..pero---"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang lumapit sa akin si David kaya nailang naman ako.

"What?"

Nang-aakit na tanong nito na pinangloloko naman ako. 

"Kasi inaantok pa ako!"

Mabilis na sabi ko at nagkulong sa kumot. Bahala siya diyan! Basta ako matutulog dahil masiyadong maaga pa naman at aba! Hindi naman iyon makatarungan para sa akin!

"Ayaw mo talagagang bumangon diyan?! Kaya maraming mga tao na idolente kahit pagbangon sa umaga hindi pa magawa."

So nagpaparinig siyang tamad ako? Kapal niya! Nagulat ako nang biglang may humablot nang kumot ko na walang iba kundi si David dahil siya lang naman ang nangeepal ngayon.

Inis akong bumangon at masama itong tinignan. 

"Ipagtitimpla ko na po kayo sir David.  Sumunod na po kayo sa akin."

Sarkastiko na pagkakasabi ko at padabog na naglakad dahil ang totoo ay inaantok pa talaga ako. Na hindi pa ako maintindihan nang amo ko na epal na rin ngayon.

"Good."

Nang ipagtimpla ko ito ay nagtimpla na rin ako nang sa akin. 

"May balak kang gasahain ako noh?"

Tanong ko na ikinasamid naman nito.

"Buti nga sayo!"

Pabulong na singhal ko ang bilis nga
talaga nang karma.

"Tss. In your dreams. I have a fiance she's  beautiful and sexy than you."

"Ouch! Kapal mo rin noh, sayong sayo na yang fiance mo ubod nang kamalditahan na mas masahol pa sa mapait na kape na walang asukal at tubig!"

Forget HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon