Chapter 3: (Don't Me!)

40 17 24
                                    

Her Pov

Hapon na nang ako'y makagising dahil sa pangungulit sa akin ni baby Annie ang pinakabunsong pinsan nila Bryle sabi sa akin ni aling Benda.

"Segi na ate Arianne, please..."

Pangungulit nito sa akin dahil nagpunta pa talaga ito sa kuwarto ko para kulitin akong pumunta kami bukas sa park.

"Hays, segi na nga basta ipromise mo muna sa akin na hindi ka lalayo sa tabi ko bukas!"
Sabi ko sabay kurot sa mataba nitong mga pisngi. Ang gaan talaga nang loob ko sa batang ito hindi alaga ang turing ko kay baby Annie kundi isang nakakabatang cute na kapatid.

"Promise..."

Sabay yakap nito sa akin. Nang may maalala ako na bukas pala ang pag-dating ni sir David.

"Kaso baby, bukas ang pag-uwi ni sir David at nakakasigurado akong hindi tayo makakaalis dahil dapat kumpleto kayo sa pag-dating niya."

"Don't worry ate Arianne, lovieyah will not mad at you because I'm here!"

"What if, kung sa makalawa nalang tayo pumunta sa park."

"Okay."

Pagkatapos kung maka-usap si baby Annie ay nag-simula na akong maglinis.

Kahit sa bakuran ay tumulong na ako sa paglilinis nang matapos na ako ay napaupo na muna ako sa may gilid nang pool ng makapagpahinga manlang nang sandali.

Nakaramdam tuloy ako nang antok ipinikit ko na ang mga mata ko nang may biglang dumila sa leeg ko kaya mabilis akong napamulat.

Nagulat ako nang pumewesto ang puting aso sa may lap ko at mahimbing itong natulog.

Napangiti nalang ako sa sobrang amo nang aso ay pakiramdam ko solve na lahat nang pagod ko.
Mukha siyang manika dahil napupuno kasi ang katawan nito nang mahahabang balahibo at halos ang mga mata nalang ang nakikita dahil sa kulay-kape ang mga ito.

"Ahm... ano kaya ang pangalan mo?"

Nakangiting tanong ko dito kahit alam ko naman na hindi ito sasagot habang hinahaplos katawan nito.

"Sino kaya ang amo mo at pinapabayaan kang naglilibot dito sa mansiyon. Siguro ang panget nang ugali ng amo mo no'h. Di kaya pabaya siya kaya palaboy-laboy ka lang dito. Huwag kang mag-alala Whitey kapag nakita ko ang amo mo....pagsasabihan ko talaga siya hehehe....di joke lang isasauli lang naman kita..."

Napatigil ang pagsasalita ko nang may tumutunog na parang sasabog na bomba. Sunod-sunod ang pagtunog nito kaya sinundan ko rin kung saan ito nanggagaling nang natigil ang taenga ko sa parte nang leeg nito nang tingnan ko ito isa itong maliit na hugis bilog na umiilaw nang kulay pula sa sobrang kaputian nito ay hindi mo talaga mapapansin ito kung di mo lalapitan.

"Ano kaya ito?" Nagtataka na tanong ko sa sarili.

Dahil naiirita na ako sa sunod-sunod na pagtunog nito ay pinindot ko ito at tumigil na ito sa kakatunog. Mabuti nalang at hindi naabala ang tulog ni Whitey.

"AHA! Nandiyan ka lang palang aso ka!"

Napatingin naman ako sa harapan ko dahil sa pagsigaw nang babaeng kasambahy din na nakayuko pa ito habang hawak-hawak pa ang tuhod at hingal na hingal pa ito.

Napagod yata ito sa kakatakbo sa paghahanap kay Whitey.

Ahw! Ahw! Awh!

Grrr!

Dahil sa kakatahol ni Whitey ay napatayo ako ang sakit sa taenga huh!

Mukhang galit pa ito sa babaeng kaharap ko ngayon na parang kasing edad ko lang kaya kinarga ko na si Whitey.

Forget HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon