Chapter 9: ( The Maneuver )

18 10 0
                                    

Arianne Pov

Isang buwan na ang lumipas pero hindi parin ako makalimot sa gabing kinausap niya ako. Sa gabing kinausap niya ako nang matino na halos hindi na ako makatulog dahil sa kakaisip.
Akala ko magkakaayos na kami ni David yung tipong bawat uutusan niya ako ay wala nang halong galit o inis  sa tono nang kaniyang pananalita. Pero mali pala ang hinala ko sa halip ay hindi na ako nito pinapansin halos hindi ko na nga ito nakikita sa loob nang mansiyon. Siguro masiyado na itong abala sa trabaho kaya ganun samantalang si Bryle ay hindi ko na alam kung ano ang ginagawa niya sa buhay.
Halos ginagabi pa ang dalawa sa pag-uwi.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong lalaki sa di kalayuan, mabilis akong nagtago sa may mga damitan nandito kasi ako ngayon sa mall namamasyal nag day-off kasi ako.

Kahit ang layo niya ay dama ko kung sino siya. Ano kayang ginagawa niya dito? Huwag niyang sabihin na pati dito ay pagtatagpuin pa kami?!
NO WAY!!!

"Arianne.. alam kung naririnig mo ako. Please.. huwag kanang magtago.."

Dug.dug.dug.

Tsk! Kainis ang laki nang  boses niya nakakahiya tuloy pinagtitinginan na kasi ako nang mga tao kahit ang ang sales lady ay naiirita na sa akin.

Akala yata nang mga tao ay nagtataguan kami dahil sa nahihiya na talaga ako ay umalis na ako sa pinagtataguan ko.

Ewan ko kung bakit hindi ako makatingin sa kaniya nang derikta nahiya kasi ako sa ginawa ko. Mamaya isipin pa nito na hindi pa ako nakakamove-on sa kaniya.

"Tsk! Anong kailangan mo? Sa pagkakaalam ko ay wala akong utang sayo kahit duling na piso!"
Inis na sambit ko na hinaan ko lang ang boses ko marami kasing mga tao ang nakatingin sa amin.
Hindi na ako magtataka kung bakit sila titig sa kausap kong manloloko guwapo kasi kaya pinagpapantasiyahan.

Imbes na sagutin ako nito ay hinila ako nito at inakbayan. Tinignan ko ito nang masama ano nanaman ba ang pautot niya at may paakbay-akbay pa siya sa  akin nagsawa naba siya sa insan ko. Putsa! Dahil sa inis ko ay tinanggal ko ang pagkakaakbay niya. Ano siya suwerte na papapasukin ko ulit sa buhay ko?! Itsura.

"Randel Reyes ano bang kailangan mo, huh? Kasi kung wala aalis na ako hindi ko sasayangin ang oras ko sayo at please.. lang huwag ka ngang buntot nang buntot sa akin mamaya kung ano pa ang isipin nang mga taong nakatingin sa atin."

"Can we talk Arianne? Please... Wala akong pakialam kung anong isipin nila! Isipin nila kung ano ang inisipin nila sa atin!"

"Sorry, hindi nga available ang time ko sayo may mas importante pa kasi akong dapat puntahan."

"Really?"

"A big yes!"
Inis kong sabi at tunalikuran na ito kailangan talaga paulit-ulit. Tss. Nagsasayang nanaman ako nang laway sa kaniya.

Nang maramdaman kung nakaalis na ito sa likuran ko ay napahinga nalang ako nang malalim  mabuti nalang at sinunod ako nito.
Ipinagpatuloy ko na ang pamimili nang mga damit.

"I'm sorry.."

Napatigil ako sa pamimili nang may marinig akong pamilyar na boses na umalingaw-ngaw sa buong mall.

"Ang guwapo nang nagsasalita sino kaya ang sinasabihan niya."

"Ay! Oo nga eh, sana mapatawad na siya."

Rinig kong bulong-bulungan nang mga tao na kinikilig pa ito.
Habang ang iba pa ay tinuturo ako napahigpit nalang ang pagkakahawak ko sa may damit.

"I'm sorry for hurting you Arrianne... I know you really hate me. I know you don't want to see me and I know you don't have a time to talk with me but please... give me 30 minutes to explain and another chance  to be with you this day..."

Forget HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon