Chapter 8: ( Never Fall Inlove Again! )

35 13 0
                                    

Arianne Pov

"Hoy! Okay kalang ba partner? Bakit parang talunan ka ngayon?"

"Ako talunan? Hindi no'h! May iniisip lang alam mo na."
Sagot ko habang nagpapahinga nandito kasi ako sa loob nang kuwarto ni ate Joane nag i-snack.

"Anong alam mo ko na? Excuse me sa pagkakaalam ko wala kang sinabi sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip mo. Tsk!"

"Kahit sabihin ko pa sayo hindi ka naman maniniwala."
Wala gana kong sabi habang linalaro laro ang mga daliri ko.

"Malamang! Hindi talaga ako maniniwala dahil hindi mo pa naisasabi! Alam mo Arianne pansin ko lang huh, nang lumabas ka kahapon sa kuwarto ni sir David ay nagbago ka nang kunti. May something ba sa loob nang kuwarto ni sir David na mas lalong ikinatanga mo at mukhang wala ka pa sa sarili. Umayos ka nga!"

"Mayroon na mukhang wala. Nakita ko siya pero ba't parang wala rin saysay."
Malungkot na sabi ko na ewan ko kung naiintindihan nito ang pinagsasabi ko.

"Wow lang! Relate ko partner! Huwag mo nang ishare g na g ko na. Ganda nang problema mo masiyadong paepik."

Sarkastiko na sabi nito na ikinangiti ko hindi talaga makapaghintay itong si ate Joane.

"Eh... kasi naman nakita ko lang naman si Gaile sa picture frame na kababata ko na matagal ko nang hindi nakikita. Sa loob nang kuwarto ni David habang naglilinis ako kahapon."

"Oh? Bakit parang malungkot kapa? Dapat nga eh, masaya ka dahil nakita mo si maam Gaile na bestfriend mo pala."

"Hays! Ewan, hindi ko alam ang nararamdaman ko."
Sabay kain ko nang potato fries na pinuno ko talaga sa bibig ko.

"Tsk! Ang sabihin mo selos kalang dahil naunahan ka nang bestfriend mo kay sir David."

Halos mabiluokan ako sa sinabi ni ate Joane kaya nataranta naman itong ibinigay sa akin ang tubig. Argh! Pahamak talaga toh.

"Ako selos? Itsura. Hindi no'h! Hindi ko nga alam, masaya ako na nakita siya pero pakiramdam ko may mali. Ate Joane hindi kasama sa usapan si David hindi ko siya gusto okay, hate ko siya hate!"
Pagkaklaro ko kakahighblood talaga. Kailangan ko pa yatang magpalunod para lang maintindihan nila na hindi ko gusto si David.

"Hindi mo siya gusto dahil malay natin mahal mo na pala siya. Huwag kang ngang magsalita nang hindi tapos Arianne mamaya kainin mo iyang pinagsasabi mo."

"Nakakainis kasi pati ba naman ikaw pagdidiinan mo na may gusto ako sa mokong na iyon. Hindi ba puwedeng support support ka nalang."
Mahina kong sabi totoo naman talaga na ayaw ko kay David.

"Hay, ganiyan din ako sayo dati na pinagdidiinan ko pa ang sarili ko na hindi ako magkakagusto sa babyloves ko. Pero tignang mo ngayon mag asawa na kami naging pamilya at napatunayan naming may forever talaga."

Kinikilig pa na sabi nito napainom nalang ako nang tubig.

"Anong gusto mong gawin ko maging kontrabida sa love story nila? Kalabanin ko ang bestfriend ko?"
Tanong ko dito na ikinatayo ko pa nakaupo kasi ako.

"Tse! Wala akong sinabing ganun ang sa akin lang ay huwag kang maging bulag sa nararamdaman mo. Subukan mo kayang sundin ang puso mo pansamantala nang malaman mo ang bumabagabag sa isipan mo kung hindi talaga iyon ang problema tumigil kana at mag-isip ka ulit."

Pangangaral nito sa akin na ikinatango ko naman medyo nabuhayan ako nang kunti sa sinabi nito.

"Pumunta na ba dito si Gaile?"

"Ahm..oo medyo matagal na. Noong umuwi dito sina Donya Anecta at Don Eduardo na mga magulang ni sir David na nanggaling pa sa Paris.
Kasi nga magkababata din ang dalawa."

Forget HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon