Habang hinahalungkat ko ang mga gamit ko ay may napansin akong maliit na kahon.
Nakaramdam bigla ako nang kaba nang hawakan ko ito.
"Hindi kaya ito ang hinahanap ni David na kahon?"
Bulong ko.
Kung sakaling ito nga ang hinahanap ni David ibig sabihin mahahanap ko narin ang taong gusto kong ipihanap kay David.
Mabilis akong naglakad papunta sa may pintuan nang may bigla nanaman sumagi sa isipan ko."Pero paano kung pagbintangan ako ni David na tinago ko ito at sabihing ninakaw ko ang kahon."
Nalilito na sabi ko habang palakad-lakad sa loob.
"Paano kung ibigay ko nalang ito kay Bryle at sahibin siya ang nakahanap nito."
Tanong ko sa sarili. Argh! Nababaliw na talaga ako.
Baliw ka ba Arianne! May posibilidad pa na sunugin ang kahon ni Bryle dahil matutuloy ang kasal nila ni Gaile.
Dug.dug.dug.
Malungkot akong napatitig sa maliit na kahon.
"Ibibigay ba kita o hindi?"
Ang lakas talaga nang kutob ko na ito talaga ang kahon na pinapahanap ni David.
Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pinto nang maibukas ko na ang pinto ay nakita ko si David na papalapit sa kinaroroonan ko.
Dug.dug.dug.
Anong gagawin ko?
What if, suntukin niya ako o di kaya kaladkarin.
Anong sasabihin ko?!"Hey!"
"Ahh. Ba-bakit!"
"Tsk. You loo stupid and its like you've seen a ghost."
Napatingin lang ako sa baba dahil sa kinakabahan ako lalo na't hawak ko ang kahon na matagal na niyang hinahanap.
Dahan-dahan kong ipinuwesto ang mga kamay ko mula sa likuran ko.
"Ba..bakit ka naparito?"
Pilit kong kinokontrol ang sarili ko na huwag mautal habang nakatingin kay David.
"Tsk. Prepared your things, we were going somewhere that important place for me."
"Okay."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tsaka naman ito umalis.
Mabilis kong isinirado ang pinto tsaka tumilapon sa higaan.
"Whoa!"
Napatingin nalang ako sa kisame nang may tuko namang nakatitig sa akin na kinainis ko naman.
"Tss. Anong tinitingnin mo diyan? Argh! Huwag kang mag-alala isasauli ko naman itong kahon sa amo mo. Naghahanap lang ako nang tamang tyempo."
Pagpapaliwanag ko sa tuko na medyo lumalapit na sa kinaroroonan ko.
Dali- dali naman akong napaupo dahil sa takot medyo may kalakihan na kasi.
"Oo na! Pagkatapos nang lakad namin nang amo mo ibibigay ko ito sa kaniya."
"Kaya tsupe! Tsupe!"
Hanggang sa mabilis ko naman itong napaalis.
Hays! Nababaliw na talaga ako pati tuko kinakausap ko! Tsk! Mabuti nalang iyon kaysa naman na si ate Joane ang makausap ko.Huwaaa!!!!
Aalis pala kami ngayon muntik ko nang makalimutan.Pero bakit kaya niya ako isasama sa mga "important place" na sinasabi niya? Hindi kaya importante na rin kaya ako sa kaniya? O baka naman crush niya na ako?
BINABASA MO ANG
Forget Him
RomanceHave you ever been love? Horrible isn't it? It makes vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it's means that someone can get inside you and mess you up. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you c...