Chapter 11: ( Victims of Promises )

16 5 0
                                    

Arianne Pov

Tok! Tok! Tok!

Katok ko sa pintuan nang kuwarto ni Bryle pansin kong hindi pa ito kumain kagabi at ngayong umagahan na ay hindi pa ito sumabay sa amin ni baby Annie na pati si David ay hindi din sumabay dahil maaga itong umalis sabi ni nay Benda.

Pansin kong ibinunuhos lahat ni David ang oras niya kay Gaile samantalang kay baby Annie ay halos hindi ko na nga ito nakikitang nag-uusap o naglalambingan manlang.

Nag-iiba talaga ang tao kapag tinamaan nang pana ni kupido halos napababayaan na ang mga taong nakapaligid dito.

Minsan tinatanong ako ni baby Annie kong nasaan si David at ano ang ginawa nito kaya sinagot ko ito nang.

"Huwag kanang mag-alala sa kuya mo, nasa trabaho siya para may makain ka at mainom ka nang gatas."

Yan ang palaging sagot ko dito na ipinagtaka naman iyon ni baby Annie dahil mayaman da'w sila at hindi na kailangang magtrabaho ni David.
Kaya iniiba ko nalang usapan para hindi na ito malungkot at hindi na masiyadong mag-alala kay David.

"Bryle buksan mo ang pinto! Kung ayaw mong masira ang pinto!"
Pagbabanta ko dito na may halong biro.

"Bryle! Buksan mo ang pinto kung ayaw mong masira ito!"

Hindi ko naman balak sirain ang pinto ang sa akin lang ay pagbuksan ako nito ang sakit na kaya sa kamay kakakatok.

Nang bumukas ang ang pinto ay napangiti ako pero bigla rin iyon naglaho nang makita ko si Bryle na nakaboxer lang at ang gulo pa nang buhok na halatang kakagising lang.
Amoy alak pa ito nang makapasok na ako sa kuwarto nito ay nagulat ako nang makita ko itong may hawak na alak kaya bigla ko itong inagaw mula sa kamay niya.

"Bakit kaba naglalasing Bryle? Bakit ka nagkakaganito? Sa pagkakaalam ko normal ka pa naman
kahapon ahh...
Ipinagtanggol mo pa nga ako sa Gaile na iyon tapos ngayon lasinggero ang masasaksihan kong Bryle?! Anong nangyari?"

Sabay sirado ko sa may pinto at sinimulan ko na ang paglilinis nang mga nakakalat na mga bubog.

"Nag-away ba kayo ni David?"

"No."

"Eh, ano nga?"

"Wala ring saysay kong sasabihin ko sayo."

Sabay agaw nito sa hawak kong alak at ininom ito na parang softdrinks lang.

"Huwag alak ang inumin! Kausapin mo ako tungkol sa dinadala mo ngayon hindi yung papatayin mo ang sarili mo sa alak hindi yan makakatulong sayo... papatulugin kalang niyan."
Pagsesermon ko dito na ngumiti naman ito nang pilit sa akin.

"Bakit ikaw, tutulungan mo ba ako?"

"Hindi pa nga naiwento ang problema mo. Tulong na agad hindi puwedeng ishare muna bago mag comment?"

Sabay agaw ko nang bote na nagsalita naman ito.

"Gaile and big bro are going to marry each other."

Nakaramdam ako nang kaba nang marinig ko ang sinabi ni Bryle.

"I..ipapakasal na sila?"
Gulat na tanong ko parang ang bilis naman yata nila sa bagay nagmamahalan nga naman. May parte nang katawan ko na nalulungkot sa narinig ko hindi ko nalang ito pinansin at pilit na nginitian si Bryle.

"Oh? Bakit parang nauna pa ang pagcecelebrate mo kaysa sa kasal? Hindi ka ngalang lang masaya at mukhang tutol kapa sa pagmamahalan nang dalawa. Mukhang namatayan ka pa!"

"It's not funny."

"Malamang hindi yun joke, totoo ang lahat nang sinabi ko."
Paninigirado ko.

Forget HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon