V

4.9K 93 4
                                    


TEN minutes ride to the truck and five minutes walk to reach the hot spring. Mapalad na nga raw iyon sabi ni Micah. Noong hindi pa raw gaanong nade-develop lugar patungo sa hot spring na iyon ay labinlimang minutong lakad o higit pa upang makarating doon.

Ngunit sa tingin ni Sev, kahit pa mahabang lakad ay worth it pa rin dahil sa ganda ng tanawin. Kasinlaki lamang ng katamtamang sukat ng isang swimming pool ang kabuuan ng hot spring. Ngunit nakatitiyak siya na refuge ang hatid niyon sa malamig na klima ng lugar.

Hindi raw gustong i-modernize ni Achaeus ang natural na kaayuan ng hot spring. May mga nakapaligid na malalaking bato, may mga halaman na rin sa paligid. Sang-ayon siya roon. Ang tanging ilalagay lamang raw ay mga bulaklak. They're planning on landscaping the whole place and putting a small cottage nearby.

Ang talagang kailangan raw i-develop ay ang daan patungo roon.

It would be open to all the people of Kanaway. But of course there'd be rules and regulations upang hindi masira ang lugar na iyon.

Kasama nila sa pagbisita sa hot spring ang pinsan ni Achaeus na si Yanno. Nakilala na niya ang dalawang ito noong kasal nina Micah at Achaeus. May dalawa pa raw na darating. A certain CJ that he hadn't met yet and Dashiell whom he had met last night.

Iniwan ni Micah ang baby nito sa mga pinsan ni Achaeus ng sa gayon ay ma-entertain daw siya nito ng husto. He doesn't really need to be entertained. Mas gusto kasi niyang isipin kung ano nga ba ang nangyari kagabi. But Micah's jolly voice keeps on interrupting the flow of his memory.

He was on the sidelines habang nagaganap ang piging para sa ikalawang kasal ng mga pinsan ni Achaeus ng yayain siya nito na uminom. He was pretty sure he's had enough drinks. Subalit hindi niya ito mapahindian maging ang mga pinsan nito. At dahil mababa ang alcohol tolerance niya ay tumayo na siya roon bago pa maulit ang nangyari noong nagdaang taon.

Nagpasya siya na bumalik na sa tahanan ni Achaeus. At pagkatapos niyon ay...

"Hey!"

Tila iisang katawan na napalingon ang lahat sa pinanggalingan ng sigaw. May dalawang tao na papalapit sa kinaroroonan nilang lahat. Ang isa ay nakilala ni Sev na si Dash. At ang isa naman ay... napakurap siya ng makailang ulit. No.

Iyon nga ba ang babae na kani-kanila lamang ay kasama niya sa silid? Sa iisang kama?

Nakumpirma ang hinala niya ng makita rin niya ang bakas ng sorpresa sa mukha nito.

"Sorry, we're late," hinging paumanhin ni Dash ng tuluyang makalapit sa kanila. "It's CJ's fault. She's acting strange."

"I am not," sabat ng babaeng kasama ni Dash.

Gulat na napatingin rito si Sev. Ito ang CJ na tinutukoy nila? A woman?

Marahil ay napansin ni Micah na nakatingin siya kay CJ kaya naman hinila siya nito palapit sa babae. "CJ, I'd like you to meet my good friend, Sev Divero. Nagbabakasyon siya rito. He's staying at our house. And Sev, siya si CJ. If you think she looks familiar, hindi ka nagkakamali. She's a model. But she's yet to grace the covers of C and L."

Napatango si Sev. Kaya nga ba pamilyar ang mukha nito. Naalala na niya kung saan ito nakita. Sa mga commercial sa telebisyon. And on billboards. Those billboards don't do her justice though. She's ten times more beautiful in person. And maybe that's an understatement. And that's true. He's not the type to deny something that's obvious.

Inilahad nito ang palad sa kanyang harap upang makipagkamay. "It's so nice to meet you, Mr. Divero."

Tinanggap naman ni Sev ang pakikipagkamay nito. "Pleasure is mine, Ms. de Gala."

Her delicate hands were so soft and smooth. Just like the skin of a baby. In the light of the day, he could see her skin was a bit lighter than tan. See? Sa mga billboards ay para itong kumikislap sa kaputian. O kaputlaan. Ngunit sa personal ay hindi ito ganoon.She has a healthy color. She also has a very exotic pair of light brown eyes. Her nose was pointed and her lips have a natural pout, painted in brown lipstick, no doubt. And high cheekbones.

She was wearing a wide-brimmed had and her hair was braided. And her body was covered in a blue summer dress. Very beautiful. Probably the most beautiful woman he had ever seen. But definitely not his type. Hindi niya gusto ng magagandang babae. He wants a simple but smart woman. Kadalasan sa magagandang babae ay shallow. They neglected their brains for the sake of their appearance. A pity.

But the rest of the male species loves beautiful women so his preference doesn't really matter at all.

"I think you two should drop the formality and jump to first name basis immediately," nakangiting suhestiyon ni Micah. "Right?"

"Fine with me," mabilis na tugon ni CJ sa kaswal na tono.

"Me too," kaswal din niyang pag-ayon.

They tried to avoid each other. Nakatitiyak roon si Sev. Hindi niya tinatangkang tumingin sa direksiyon nito. Lumayo rin siya rito at sa mga kausap nito na mga pinsan. Ibinuhos niya ang atensiyon sa pakikinig sa mga kwento ni Micah kahit. Isang beses na tumingin siya sa direksiyon ni CJ de Gala ay nagtama ang kanilang mga mata.

Nakipaglaban ito ng titigan sa kanya. Kaya naman siya ang naunang nag-iwas ng tingin. He doesn't really like her. Tila ba nananadya ito. Conscience and responsibility was overtaking his senses. Kung may nangyari sa kanila ay maaring magbunga iyon. Wala siyang baon na condom. Bakasyon ang ipinunta niya rito. And they're probably too drunk to use one. Maybe she's on pill. Maybe.

Kaya sa ayaw niya'y sa gusto ay kailangan nilang mag-usap. Dahil sa ayaw niya't sa gusto ay may responsibilidad siya rito kahit hindi niya gusto ang personalidad nito.

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon