XVIII

4.2K 90 2
                                    


PAGBABA ng kotse ay pabiglang inalis ni CJ ang kanyang sunglasses. Hindi niya mapigilan ang pag-awang ng mga labi. Dapat ay inasahan na niya ang makikita. Hindi talaga ordinaryong tao lamang si Severino Divero.

Pumasok sila sa isang malawak na lupain. Pulos niyugan ang kanyang nakikita.

Nang tumigil sila dahil iyon na raw ang tirahan ng ina nito ay isang malaking ancestral house ang bumulaga sa kanya.

"Kaya ba hindi mo gustong i-describe kung ano ang itsura ng lugar na kinalakihan mo?" pairap na tanong niya kay Sev.

Nagkibit-balikat lamang ito. "I told you, simple lang ang kinalakihan ko."

Tumawa siya ng patuya. "Damn simplicity."

Ang sabi nito'y matagal ng yumao ang ama nito na isang retired polioce while his mother was a retired teacher.

Noon bumukas ang pinto ng bahay. Mula roon ay lumabas ang isang ginang na tiyak na siyang ina ni Sev. Malayo pa lamang ay nakikita na ni CJ ang ngiti nito. At ng tuluyan na silang makalapit rito ay isang bagay ang natiyak niya. Sa ina nakuha ni Sev ang magandang ngiti nito.

"Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito," masayang turan nito.

"Of course, Ma," sagot ni Sev. "And, Ma, I'd like you to meet CJ, my wife-to-be."

"Ikinagagalak kitang makilala, CJ," niyakap siya ng ginang. Ng lumayo ito ay nakangiti na rin ng husto si CJ. "Talaga bang CJ lamang ang pangalan mo?"

Tumabingi ang kanyang ngiti. Parang bigla ay gusto niyang sikuhin si Sev. Talaga bang hindi nito natatandaan kahit ang pangalan niya?

"My name's Charmaine Jo de Gala, Ma'am."

Iwinasiwas nito ang kamay. "Ako naman si Elena Divero, pero mama na ang itawag mo sa akin. Ikakasal na kayo ng aking anak kaya para na rin kitang anak. Charmaine naman ang itatawag ko sa'yo. Mas bagay sa'yo ang feminine name. Pumasok na muna tayo sa loob para makakain na kayo. Doon natin ituloy ang kwentuhan."

Tumango si CJ. She never felt this welcome before. Inakbayan ni Sev ang ina nito na nagpangiti kay CJ. Subalit ng akbayan rin siya nito ay napawi ang kanyang ngiti at pumalit roon ang kaseryosohan dahil sa mabilis na pagpintig ng kanyang puso.

Sa hapag kainan ay maganang kumain ang mag-ina. Kaya naman wala siyang ibang choice kundi ang sumabay sa mga ito.

"Alam mo ba Charmaine, takot itong si Severino sa kulog."

"When I was a kid," mabilis na dagdag ni Sev. "Every kid has that moment in their lives."

Pagkatapos kumain ay inilibot siya ng mag-ina sa kabuuan ng bahay. At naroon sila ngayon sa kwarto ni Sev noong doon pa ito nakatira. Gaya ng inaasahan ay organized at orderly ang lahat ng kagamitan. In born talaga ang ganoong ugali ni Sev.

"But he didn't peed on his bed. Never once," anang ginang sa proud na tono.

Nakamot naman ni Sev ang batok. "Really, Ma? Pati ba naman 'yon?"

"Bakit, masama bang ikwento 'yon sa mapapangasawa mo?"

CJ was all smiles habang nagmamasid sa banter ng mag-ina. She envied them. Kahit kailan ay hindi siya naging ganoon sa kanyang mga magulang. Her mother was controlling and her father was business minded. Kaya rin siguro naging ganoon ang kanilang ina ay dahil buong buhay ng kanilang ama ay sa negosyo nito inilaan. Kahit sino rin kina Claude at Ching ay hindi normal ang relasyon sa kanilang mga magulang. Silang magkakapatid ang mas close sa isa't isa.

Napakurap si CJ ng hawakan siya ng ina ni Sev sa braso. Hinila siya nitong paupo sa gilid ng kama. A warm and fuzzy kind of feeling filled her.

"Dapat mong makita ang pictures ni Severino mula sa pagiging baby."

Isang malaking photo album ang inilapag ng ginang sa kanyang kandungan. Napangiti siya sa unang buklat niyon at isang cute na baby ang bumungad sa kanya. He was smiling but his staring at another thing at hindi mismo sa camera. Ang sumunod na larawan ay ang paliligo nito. Nang tingalain niya si Sev ay hinahagod nito ang batok bagaman puno ng amusement ang mga mata nito.

Sa mga sumunod na pictures ay palaki na ito ng palaki. Noong nag-aaral na ito ay parating may sabit na medalya. She's not expecting anything less.

Nang dumating sa pagiging high school nito ay muling nagsalita ang ginang.

"Fourth year 'yang si Severino ng unang magka-crush. Sa pinakamandang dalaga sa school nila. Pero na-basted lang. Muntik na ngang hindi um-attend ng JS prom. Muntik na 'yang maiyak. "

"That's not true," tanggi ni Sev. "Hindi ako iiyak dahil lang don, Ma."

Iwinasiwas lamang ng ginang ang kamay. "Hindi ba't simula nga noon ay nangako ka na hindi na magkakagusto sa magaganda?"

Pinakatitigang maigi ni CJ ang larawan ni Sev noong fourth year high school ito. He looked awkward but cute. A smart-looking aloof guy. At gaya ngayon ay sobrang linis ng itsura nito. Kung nakilala niya ito noong mga panahong iyon ay walang duda na magugustuhan niya ito.

"If I were that girl, I would have like you," nausal ni CJ.

Umarko ang kilay ni Sev. "C'mon. For sure you'll be swarmed by admirers."

"Same faces. While you're the unique one. Hindi maaring hindi kita mapansin," nakangiting sagot ni CJ. She's enjoying this talk with him.

"Kita mo na?" singit ng ina nito. "Ang sabi mo noon ay masyadong shallow ang magaganda! Pero kita mo naman at maganda rin ang napusuan mo. And definitely not shallow."

Sapat iyon upang mabasag ang koneksiyon na nadarama niya kay Sev. Not shallow. Hindi nga siguro siya shallow subalit isa naman siyang sinungaling. But on second thought, she is actually a shallow person.

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon