XX

4.4K 87 3
                                    


PAGDATING nila sa may pinto ng unit ni CJ ay kapwa sila tumigil. Inilapag ni Sev ang mga bag na dala nila. Kauuwi lamang nila mula sa dalawang araw na pananatili sa ancestral home ng ina nito.

CJ could honestly say that those two days were the fastest but the happiest days of her life. Natikman niya ang mga paboritong pagkain ni Sev na sadyang niluto ni Mama Elena para matikman din niya. Iginala siya ni Sev sa niyugan ng mga ito. Marami siyang nakilalang mga bagong tao. Real people who doesn't seem to see her as the supermodel but CJ. Sev's soon to be wife and soon to be part of his huge family. Dahil ang buong niyugan ay pamilya nito.

"You want to come inside?" alok niya kay Sev. Hindi pa siya handang mahiwalay rito. "I think it's about time na ikaw naman ang makapasok sa tirahan ko."

Dinampot nito ang mga bag. "If you insist..."

Pagbukas ni CJ ng pinto ay saka pa lamang niya naalala kung ano ang kalagayan ng loob ng kanyang unit. Nang iwan niya ito noong bago sila umalis ay masahol pa sa basurahan. Tuwing ikalawang linggo pumupunta ang tagalinis niya. At sa makalawa pa ang balik niyon.

Pagpasok nila sa loob ng living room ay napangiwi si CJ. Maraming mga damit at sapatos na nakakalat sa paligid. Ang kahon ng pizza na kinain niya noong nakaraang araw ay nasa center table pa rin. Ang mga kahon ng nonfat milk at iba pang basura ay nasa mga couch. In short, parang isang malaking basurahan ang lugar niya.

"It would be a nice place kung malinis lang sana," ani Sev mula sa likuran ni CJ. "You shouldn't be living in this kind of environment sa kalagayan mo ngayon."

Pasimangot na inalis ni CJ ang mga damit na nasa mahabang set. Ibinagsak niya iyon sa sahig. "Have a seat. Hindi pa kasi dumarating ang tagalinis ko. I think it's too late para itaboy ka."

Sa halip na maupo ay ang mga bag ang inilapag ni Sev sa tabi ni CJ. "I can clean your house."

Umarko ang kanyang kilay. "Really?"

"Yes. If the price is right."

Napatawa si CJ. "Okay. Name your price."

He grinned. "A kiss will do."

"A kiss? Gusto ko munang makita kung paano ka magtrabaho Mr. Divero."

Ikiniling ni Sev ang ulo. His face was full of amusement. "Alright. But first, can I invade your kitchen?"

"Invade all you want." Akmang tatalikod na si Sev ng tawagin ito ni CJ. "Can you still see without your eye-glasses? Can you remove it?"

Matagal bago sumagot si Sev. "I got used to it." Na-realize ni CJ kung ano ang kahulugan rito ng salamin. It's his security blanket. He's attached to it. Subalit maya-maya ay tumango rin ito. Nang unti-unti nitong alisin ang salamin ay napangiti si CJ. "You look hot without those glasses." Ng umangat ang kilay ni Sev ay napahalakhak na siya ng tuluyan. "You look gorgeous with your glasses on while you look hot without them."

Pagbalik ni Sev mula sa kusina ay may dala itong isang baso. "Carrot juice," anito.

Nangingiting ininom niya iyon habang pinapanood ang paglilinis nito. Itinaas pa niya ang mga paa sa ngayon ay malinis ng center table. Yes, mukha na ulit iyong center table. Hawak nito ang vaccumm cleaner at pang-alis ng alikabok. She watch him with keen interest. He moved with ease na tila ba sanay talaga ito sa paglilinis. She bet he is.

She watched him sweat and analyze everything na para bang pati ang ganoong paglilinis ay kailangan ring gamitan ng talino.

"Hey," pukaw niya rito habang nagma-mop ito ng sahig. He was wearing a deep-necked shirt and a cardigan. Hindi man lamang nito inalis iyon. Blue jeans naman ang pang-ibaba nito and he was bare-footed. She like that. Nang mag-angat ng paningin si Sev ay may pagtatanong sa mukha nito. "Bakit hindi mo isuot ang slipper na ipinahiram ko sa'yo?"

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon