XIV

9K 214 16
                                    


SO what if people see us?"

"Shh!" saway ni Sev sa nag-iingay na si CJ.

Wala pang isang minuto silang nakatayo sa may back exit ng mall ay naiinip na ito. Hinihintay nila na makaalis ng tuluyan ang sasakyan na katabi ng kotse ni Sev. Naka-start na iyon subalit ayaw pang paandarin.

May nakita silang reporters na pagala-gala. Crazy people. Kung paano nalaman na naroon si CJ ay wala silang ideya.

She called him this morning para lamang sabihin na gusto nitong pumunta sa isang arcade. Hindi pa raw nito nasubukan na pumasok roon ni minsan. And when she wants something, she'll be able to have it. Whether he agrees or not. But most of the time, he'll just agree with her dahil harmless naman ang mga ideas nito. But some of her ideas were crazy.

They went skydiving one time. Ang akala ni Sev ay katapusan na niya. He's not into extreme things. Ganoon rin daw si CJ but she wanted them to try. They did this zipline and bungee jumping. He's just so glad he has no heart ailment.

Umaandar na ang kotse ng may dumaan na dalawang babae. Tumigil ang mga ito ilang hakbang mula sa kanila. Nagsindi ng sigarilyo ang isa. Nagpakayuko-yuko si CJ kahit pa nakasuot naman siya ng sunglasses.

"Ang sabi nila ay narito daw si CJ de Gala sa loob ng mall," anang isa sa dalawang babae.

"Naku, hindi totoo iyon," sagot naman ng isa pa. "Nasa Spain kaya siya. Si Cristiano Ronaldo ang bago niyang boyfriend at doon sila magpapakasal."

"Tsismis lang 'yan, eh," kontra ng naunang nagsalita. "May fiancé siya rito, 'di ba? Magkakasama lang yata sila ni Cristiano sa commercial ng isang shampoo kaya sila napapabalita."

"Whatever. Kahit sino naman sa dalawang iyon ang boyfriend niya ay masyado pa rin siyang maswerte. Have you seen her fiancé on a magazine? He's very handsome, he looked surreal. Habang ang CJ de Gala naman na iyon ay obvious na nagpa-nose job. At ang skin niya? Siguradong spray tan lang 'yon."

Napasinghap si CJ. How dare them! She's all natural! Akmang haharap siya ng pihitin siya ni Sev at iharap rito. He was grinning from ear to ear. "Calm down."

"Calm down? Did you hear them?" kahit galit ay hindi niya magawang ilakas ang boses kahit pa gusto na niyang sugurin ang dalawa.

Ngunit mukhang hindi pa yata tapos ang mga ito tungkol sa pagtsitsismisan.

"And about that guy, hindi naman talaga siya fiancé ni CJ. Ang sabi ng friend ko ay may dini-date daw na newscaster ang ang hombre na iyon."

Ikiniling lamang ni Sev ang ulo pagkuwa'y sinaklit na nito si CJ sa baywang. Pagdating sa kotse ay saka pa lamang nagtawa si Sev.

"Don't be mad. That's actually funny."

"There is nothing funny about that!" inis na busa ni CJ. "Newscaster? Boring."

Tumaas ang kilay ni Sev. "Don't say that. I'm boring as well."

She just made a face.

"And who's that Cristiano Ronaldo? Don't do this commercial with him," his was stern.

She smiled. Habang ini-start ni Sev ang kotse ay dito na siya humarap ng tuluyan. She loved looking at his face when he's jealous. They'd been together for three weeks since that day they reconciled. And yes, sa ganoon kaiksing panahon ay kung ano-ano na ang nagawa niya kasama si Sev. She's falling more in love with him in each passing day. He's wonderful.

"I like Ronaldo. Ngayon ko lang siya makakatrabaho kung sakali."

"Fine then. Let's get married bago mo gawin ang commercial with him."

She leaned forward and kissed his jaw. "Can't do that. Ni hindi pa nag-aasawa ang older brother ko."

"Ganoon ba kayo? I think not. Hindi ba't noong nakaraang buwan lamang ay gusto mo ng magpakasal tayo?"

"That was before. Iba na ang agenda ko ngayon kaysa noon. Trust me, okay? You're more handsome than anybody else."

Subalit seryoso pa rin ang ekspresyon sa mukha ni Sev. She smiled sheepishly. Nagsimula niyang sundutin ang pisngi nito. Hindi siya tumigil hanggang sa ngumiti na rin ito at hulihin ang kanyang kamay. He kissed her fingers.

"I'm wearing your ring," wika niya sa tinig na puno ng sinseridad. "People will know whom I belong wherever I may be. I will marry you. Gusto ko lang muna na magkaayos kami ni Mommy bago iyon. Give me more time, huh? Promise it won't be a year."

She's not in speaking terms with her parents anymore. Gusto niya na bago siya magpakasal ay maayos na siya sa kanyang mga magulang. Naniniwala siya na in due time ay maayos rin ang lahat.

Sa wakas ay tumango rin si Sev. "I love you, sweetheart."

"I love you too, Sev."

He smiled. "Everytime you say my name, I feel closer to you. I feel more connected to you."

She smiled back. "I know."

"Gusto ni Mama na bumisita ulit tayo," mas malawak ang ngiti nito sa pagkakataong iyon. "Let's go stargazing. I'll teach you other constellations aside from dipper."

Lumawak rin ang ngiti ni CJ. "Absolutely."

Wakas...

AN: Here's the last chapter of this book.  Thank you so much and don't be sad. I will publish the next book of this series. 😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon