VI

4.8K 86 2
                                    


AND so this Severino Divero is Jamicah's friend. Hindi nakapagtataka na hindi niya ito kilala. Hindi siya nakadalo sa kasal nina Micah at Achaeus dahil nasa isang fashion show siya sa Paris.

Gusto na lamang sana niya na iwasan ito at kalimutan na lamang ang lahat dahil tutal naman ay walang nangyari sa kanilang dalawa. But she got curious about him. He played along really well.

Mahigit sa isang oras silang nanatili sa hot spring area habang ipinaliliwag ni Achaeus ang mga balak nito sa lugar na iyon. Pagkatapos niyon ay tumungo na sila sa flower farm. Napansin niya ang sobrang closeness ni Sev at Micah. And his cousin seems fine with it. But this Sev looks at Micah with certain enthusiasm. Kung siya ang asawa ni Micah ay hindi niya magugustuhan iyon.

"They've been friends for ten years or so. That's what I've heard," ani Dash na bigla na lamang sumulpot sa tabi ni CJ.

Umarko ang kanyang kilay. "I'm not asking."

"Just saying," pakibit-balikat na tugon naman ni Dash. "Although... oh, sorry. Hindi ka nga pala nagtatanong." Tiningnan ni CJ ng pagkatalim-talim ang kanyang pinsan. Ngumisi lamang ito. "Achaeus thought they're a couple kaya muntik na silang hindi magkatuluyan ni Micah noon. Well, niligawan nga ni Sev si Micah. But Micah doesn't feel the sa,e way towards him. But they're friends now, obviously. In fact, Achaeus and Sev are good friends."

That explains a lot.

Habang nakatingin siya sa pag-uusap ng mga ito ay lumapit si Achaeus sa dalawa. Nag-usap ang mag-asawa. They were smiling at each other while talking. Tila na-out-of-place na si Sev. Luminga ito sa paligid. Huli na para mag-iwas ng tingin si CJ. Nagtama na ang kanilang mga paningin. At hindi rin talaga niya gustong mag-iwas ng paningin. She's not someone who backs down from a challenge.

But this time, he seemed to have a different plan kaysa makipagtitigan sa kanya. Habang hindi pinuputol ang kanilang tinginan ay humahakbang ito palapit sa kanya. Or sa kanila ni Dash.

"He's looking at you," ani Dash na naroon pa rin sa tabi ni CJ. "You should tell him you'll get married soon. Unless..."

Palihim na itinago ni CJ ang mga kamay sa bulsa ng sundress na kanyang suot. Wala ng singsing na nakasuot roon. Hindi pa siya handang sabihin rito na hindi na siya magpapakasal. Dash would ask details. Mas makulit pa ito sa mga pinakamakulit na reporters na gustong mag-interview sa kanya.

Nang tuluyang makalapit si Sev ay tumingin it okay Dash. Nagtanguan ang dalawa. "Can I talk to you?" tanong nito kay CJ.

"Sure!" mabilis niyang tugon. Tumingin siya saglit kay Dash. His smile was lopsided. "Yeah, sure."

Iniwanan sila ni Dash roon at nakisama ito sa pag-uusap ng ibang mga pinsan sa may kubo di kayaluan sa kinatatayuan nila ni Sev.

"May sasabihin ka?" walang paligoy-ligoy na tanong ni CJ.

"Yeah. A lot," tugon ni Sev. Lumagpas ang tingin nito patungo sa kubo. "Can we talk somewhere private?"

Kahit mukhang abala ang kanyang mga pinsan sa pag-uusap-usap ay alam ni CJ na palihim silang tinitingnan ng mga ito. Lumakad siya patungo sa mga tanim na rosas. Sev followed diligently. Tanaw pa rin sila mula sa kubo. But at least, wala ng makakarinig sa anumang pag-uusapan nila.

"What's up?"

Napuno ng kaseryosohan ang mukha ni Sev. There's something in him that could make a person stop and stare. Mabilisan niyang hinagod ng tingin ang kabuuan nito. He was simple but attractive. He wears a deep-necked shirt and jeans and running shoes. His eye-glasses make him look a bit intimidating.

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon