XXI

4.3K 88 3
                                    


ILANG minuto ang nakalipas na ay naroon na silang tatlo sa kusina ng unit ni CJ. Her mother was having tea. Nakasuot na muli ng damit si Sev subalit sa klase ng tingin na ibinibigay rito ng kanyang ina ay tumatak na rito ang naunang impresyon kay Sev.

Nang sabihin niya rito na si Sev ang nakatakda niyang pakasalan ay bumakas ang labis na pagtutol sa mukha nito. She explained the nature of his work at ang pag-aaring lupain nito sa Quezon kaya't kahit papano ay napigil ang natitiyak ni CJ na balak nitong pagpapalayas kay Sev. Her mother measures a person by the way they look at ang pamilyang pinagmulan at yaman.

"When are you going to be married?" tanong ng ina ni CJ

"––We're still planning on it––"

"––In three weeks time––"

Nagkatinginan sila CJ at Sev dahil sa sabay na pagsasalita. Puno ng hinuhod ang tingin na ibinigay ni CJ kay Sev.

"Alright, in three weeks," anang ina ni CJ. "How many guests and where? How about the gowns? The entourage?"

"We're still planning on it, Ma'am," mabilis na tugon ni Sev.

"Don't bother. I'll do the planning," pormal na tugon ng ginang.

Sev's face was suddenly stern. "With all due respect, Ma'am, we appreciate that you want to help. But this is our wedding. So we will do the planning. We'll tell you the details kapag napagkasunduan na namin ang lahat."

Napahinga ng malalim si CJ. Her mother's face turned red. Halata ang labis na pagpipigil nito huwag lamang sumabog. "Can I talk to my daughter alone?" matiim ang titig nito kay Sev na hindi naman nag-iwas ng tingin.

Napatayo si CJ. Hinawakan niya sa braso si Sev. Puno ng pakiusap ang kanyang mga mata. "Please. I'll talk to you later, I promise."

Makalipas ang ilang saglit na pagtitig sa kanyang mukha ay tumango rin si Sev. He gave her a quick kiss on the forehead bago tuluyang umalis. Makalipas ang ilang saglit ay narinig na ni CJ ang pagsara ng pinto.

"Nababaliw ka na, Charmaine," biglang wika ng ina ni CJ. "Ang sabi ko sa'yo ay ayusin mo ang relasyon niyo ni Clint hindi ang humanap ka ng ibang pakakasalan! He won't fit into our family."

Napangiti ng mapait si CJ. "Ironically, I don't seem to fit into his wonderful family as well," kusang nanulas mula sa kanyang mga labi.

Naningkit ang mga mata kanyang ina. "I didn't raise you to end up like this. Hindi mo ba nababasa ang mga nakasulat tungkol sa'yo? How could you choose this... this man over Clint?"

She never felt so determined before. "I chose him, Ma. You just don't know what kind of man he is," her chest was rising and falling with so much intensity. "He is wonderful, principled. A good man. It's just a pity na hindi ko siya unang nakilala kaysa kay Clint. If I did, I wouldn't even glance at Clint. He's nothing but a selfish bastard that––" isang malagitik na sampal ang pinadapo ng ina ni CJ sa kanyang pisngi.

"You've completely lost your mind!"

Ito ang unang pagkakataon na napagbuhatan ng kamay si CJ ng kanyang ina. But somehow ay wala siyang nadaramang anumang sakit. Unti-unting ibinaling ni CJ ang mukha. "You're wrong, Ma. I seemed to have finally found my sanity," nagawa niyang sabihin sa kabila ng panginginig ng kanyang tinig. "In my life, Sev is the only right thing that's ever happened to me. I'm gonna be with him whether you like it or not."

It's Sev she cares about. Ni hindi niya napansin na wala napa la siyang pakialam kung anuman ang gawin ni Clint sa buhay nito o kahit ano pa ang sabihin nito sa mga interview. It doesn't define who she is. Ang mahalaga ay alam niya ang totoong siya at ang mga tao sa kanyang paligid. At higit sa lahat ay alam ni Sev kung sino ang tunay na CJ.

Namula ng husto ang mukha nito. "I will disinherit you! Kami ng iyong daddy! This is not a threat! I will really do it."

"Do it, Ma," she replied.

"Nahawa ka na sa mga rebelde mong pinsan!" bulyaw nito. "I will not allow you to ruin your life even if it's the last thing that I'll do!" pagkasabi niyon ay tumalikod na ito.

Dinig ni CJ ang malakas na pagbagsak pasara ng pinto. "I'm sorry, Ma," bulong niya sa hangin. "I'm sorry but I want to be happy."

It felt liberating. And she decided that she will say the truth to Sev. Kahit anupaman ang magiging resulta ay hindi na niya gusto pang magsinungaling rito.

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon