XIII

4.3K 89 2
                                    


"I TOLD you, I don't want to do this. I don't need this."

Tinapunan ni CJ ng matabang na tingin si Sev. Nakatigil na sila sa parking area ng isang sikat na Salon sa Makati subalit hindi pa sila bumababa. Because Severino is acting like a child, throwing a tantrum. "Trust me, Sev," tinapunan niya ng tingin ang buhok nito na maayos na nakasuklay, "you need this." Mas preferred pa niya ang nakitang anyo nito sa Kanaway: easy and carefree, kaysa sa masyadong pormal na kaanyuan nito ngayon. Though kahit ang easy get-up nito ay hindi pa rin maari.

His formal polo-shirt was too outdated. Even his slacks and leather shoes. She appreciates that he was really clean and made-up. He's like Clark Kent's doppelganger.

Sev is may not be the Hollywood star type like Clint. But he's handsome too. He's got charms. Na hindi mapapansin sa professor-like get-up nito. She can't win towards Clint kung hindi niya ita-transform si Sev into a prince. She knows it's possible. His smiling eyes were enough to make any woman drool.

"I just got my hair cut last month," protesta pa rin nito.

"Hindi lang basta haircut ang pakay natin rito kundi hair transformation," giit niya. "Sev, you're doing this for our wedding. Hindi ba pwedeng huwag ka ng makipagtalo."

Nagbuga muna ito ng hangin bago tuluyang bumaba mula sa passenger's seat. Nangingiting sumunod siya sa mabibilis na hakbang nito.

She would ask him to accompany her in a charity event. Hindi pa nito alam iyon. Hindi niya tiyak kung papayag ba ito. She won't take no for an answer. Kailangan na makita sila sa public eye. Ang siste ay si Clint lamang ang magkakaladkad ng starlet bride to be nito sa madla?

He said in an interview na matapos niyang makipaghiwalay rito ay si Carina Angeles ang nag-comfort rito. It was a love bloomed throughout the heartache. He deserves applause. Kung sakaling hindi nito makuha ang manang minimithi ay maari naman itong mag-artista na lamang dahil sa husay nitong umarte.

Sa ayaw at sa gusto ni Sev ay papayag siyang ma-publish sa magazines ang prenup photos nila. Cosmopolitan is her first choice. But she's willing to consider the magazine Sev handles.

If media tagged her supposed wedding to Clint as wedding of the year, titiyakin niya na wedding of the decade naman ang sa kanila ni Sev. Kahapon ay siya naman ang nagpa-interview. Ang love story naman nila ni Sev ang ikinuwento niya. Payback time.

Wala pang kalahating oras ang hinintay ni CJ. And she's so pleased with the outcome. Sev's hair was styled in a stylish cut. He looked far younger kahit pa suot pa rin nito ang salamin.

"You look great," nakangiting puri niya rito ng nasa sasakyan na sila.

"Thanks," flat na tugon nito. Mukhang hindi masaya sa kinalabasan ng bagong hairstyle nito.

Binalewala lamang iyon ni CJ. Sa halip ay itinuro niya rito ang daan ng bago nilang destinasyon. Isang men's boutique iyon kung saan siya mamimili ng bagong wardrobes ni Sev. He's going to accompany her every now and then. Dapat ay marami itong damit na pamimilian. Acceptable clothes.

Suits would suit him better because he has a good body. She knows what's underneath his clothes. She felt it with her hands. Lalo na ang bahaging likod nito. But people don't see what's underneath. They only see from the outside. Hindi lamang ang kaanyuan ang tinutukoy niya. People don't really see through people.

Pagpasok nila sa loob ng boutique at makita ni Sev na pulos panlalaki ang mga damit roon ay kagyat na lumalim ang gatla sa noo nito. "Ano na naman ito?" pabulong lamang subalit gigil na tanong nito.

"Relax," nakangiting tugon niya dahil nilapitan na sila ng mga sales person. "I need black suits, three pairs and two gray. And two tuxedos. Ties and dress shirt goes with every suit, of course. And five pair of black leather––"

"I don't need shoes. I have lots of them," may finality sa tinig ni Sev. Kaya naman hindi na nakipagtalo pa si CJ.

"What size, Ma'am?" tanong ng sales person.

Tumingin si CJ kay Sev kaya naman napilitan itong tumugon. She smiled victoriously.

Nang maupo ito sa couch na naroon ay tinabihan niya ito habang nagbubuklat-buklat siya ng magazine. His face was grim. "Smile," bulong niya rito. Ngunit sa halip ay hinagod lamang nito ang noo.

"You know what I need right now, CJ? Advil."

Ikiniling niya ang ulo. Ito lamang ang nagpapasakit sa sarili nitong ulo. Masyado itong maraming reklamo sa halip na sumunod na lamang sa flow. Para rito rin naman ang kanyang ginagawa.

Or maybe... wala itong budget para sa mga ganoong bagay? Possible iyon. Maybe he was thinking about the cost of everything. Come to think of it. His car alone can explain his net worth. Lumang Land Rover na tila maari ng mamaalam sa mundo anumang oras. Oh, poor him. Hindi pala niya nasabi rito na siya ang magbabayad ng lahat.

"Don't worry about the expenses. Sagot ko ang lahat," bulong niya rito. He didn't reply.

Nang lumapit sa kanila ang sales person ay kumuha siya ng isang black pair of tuxedo, dark blue tie at white dress shirt. Ipinasukat niya iyon kay Sev. Sa pagkakataong ito ay sumunod na lamang ang lalaki ng walang angil.

Nang lumabas ito ng fitting room ay napakurap si CJ sa kanyang nakita. Tama nga siya. He would look princely sa tamang damit. The tux seems tailor made for him. Mouthwatering is the right adjective for him right now. Mas lalong na-emphasize ang pagiging tall and handsome nito.

Lumapit siya rito at inayos ang pagkakasuot nito ng tie.

"Is this fine with you? Are you happy now?" walang kangiti-ngiting tanong nito.

"Yes," tugon naman niya.

"Good, I'll change now."

Hindi na nito hinintay ang sagot ni CJ. He went back to the fitting room. Paglabas nito ay diretso ito sa counter. Mula sa back pocket ay dinukot nito ang wallet.

"Hey," awat niya rito. "Don't worry ako na ang bahala." Inilabas niya ang kanyang credit card at inilapag iyon sa counter.

Subalit itinabi lamang ni Sev ang kanyang credit card at ang sarili nitong card ang ipina-swipe sa cashier. Hindi na lamang nakipagtalo si CJ. Ngunit ng makabalik na sila sa kotse dala ang kanilang mga pinamili ay hindi niya makayang manahimik.

"Sev, ako ang nagdala sa'yo doon kaya ako dapat ang magbayad."

"Thank you for your generosity, CJ. Pero kaya ko pa namang bayaran ang sarili kong mga damit," sarkastikong litanya nito.

"Hindi ko naman iniisip na hindi mo kayang bayaran ang mga iyon," protesta niya.

Sa halip na i-start ang kotse ay humarap si Sev sa kanya. "I don't get this whole make-over stuff. I'm comfortable the way that I am. People don't change just because they changed their haircut or the way they dress. They change when people around them starts seeing through them. I don't want to conform to your world, CJ. I don't want to be define by you," turo ni Sev kay CJ. "Or by any other things money can buy. I don't need that. The world don't dictate whom shall I be."

His words hit her like a knife to a dart board. She can't find the right words upang kontrahin ang mga sinabi nito. O marahil ay wala naman talagang tamang salita para makontra niya ito. Because the things he said were true. Because she was hurting right now. The saying was true enough. The truth hurts.

Ipinilig ni Sev ang ulo. "I'm sorry. I shouldn't have said all of that. Pagod lang ako," sa pagkakataong ito ay malambot na ang ekspresyon sa mukha nito.

Marahil ay napansin ang pagkatigagal niya. Kung ganoon nga ay gusto niyang magalit. Hindi na niya gustong makatanggap ng awa o simpatya sa kahit na kanino. Anumang negatibong emosyon ay hindi niya gusto. Ibinaling na lamang niya ang mukha sa bintana.

"Ihatid mo na ako. Gusto ko ng magpahinga."

"Alright."

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon