XIV

4.1K 84 1
                                    


IT WAS a whirlwind romance. The moment we saw each other, I know we're meant to be together. I was a bit unsure of what to do because Clint and I had just decided to go our own separate ways. But when Mr. Right showed up in front of me, I know I've found what I've been looking for.

Kunot na kunot ang noo ni Sev habang binabasa ang news article na lumabas mula sa internet. Interview iyon ni CJ. The contents were ridiculous. Isa na roon ang kasal nila two weeks mula ngayon. Yes, he agreed na hindi nila sasabihin na buntis ito. But he didn't agree that she will make-up stories far from reality.

At mas lalo pang ikinagagalit niya ay kung paanong nakuhanan sila ng larawan ng magkasama. Wala nga siyang pangalan but it was his face that was on the newspapers.

Nawala na ang katahimikan sa buhay niya.

His officemates were suddenly interested in his life. para bang lahat na lamang ng tao sa office building ay tinititigan siya. Gusto ni Victor na gumawa siya ng article na lalabas sa kanilang magazine. A big revelation kung paano niya napasagot si CJ. Which he would never ever do. Hindi siya mapipilit nito kung hindi niya gusto. Iyong pagpayag ni CJ na maging cover model ng RAVE ay malaking bagay na.

Subalit ang ikinagagalit talaga niya sa lahat ay ang nangangambang pagkawala ng kanyang identity. He had never really thought about it ng pumayag siyang pakasalan kaagad si CJ at sa pag-ayon niya sa mga pagbabagong gusto nito sa kanya. He was too worried about the baby. Their baby.

Maaring ang lahat ng pinagpaguran niya sa loob ng sampung taon ay mauwi na lamang sa wala. People might think na nakarating lamang siya sa kinalalagyan niya ngayon because of CJ de Gala.

He hated the thought.

Kahapon nga ay mahigit sa isang oras silang magkausap ni Micah sa telepono. Hindi lamang ito kundi maging si Achaeus. Hindi daw lubos maisip ng mga ito kung paano nangyari na biglang sila na ni CJ ang magpapakasal. He said they'd develop some feelings during his vacation. Na mas lalong hindi mapaniwalaan ng mga ito. Isang sipa ang pinagsaluhan nilang dalawa para sa mga ito. At the end he said he's the one who could take care of her. That seemed to be enough for Micah.

Duda siya kung matatahimik ito kung ipinagtapat niya ang tunay na dahilan ng kanilang napipintong pagpapakasal.

Babalik na sana siya sa trabaho ng mag-ring ang kanyang personal line. It was his mother. Napahugot siya ng malalim na paghinga bago tuluyang sagutin iyon.

"Ma––"

"Magpaliwanag ka, Severino! Bakit kailangang sa mga pahayagan ko pa malaman ang pag-aasawa mo? Talaga bang wala na akong halaga sayo?"

Napapikit siya. Mas gusto niyang personal na sabihin rito. Disaster talaga ang lahat. Siguradong malaki ang hinampo ng kanyang ina.

"I'm sorry, Ma. I'm about to call you."

Nadinig ni Sev ang buntong-hininga nito sa kabilang linya. "Gusto ko siyang makilala, Severino. Isama mo siya rito ngayong weekend. Walang pero-pero."

"Alright, Ma."

Pagkababang-pagkababa niya ng telepono ay si CJ naman ang kanyang tinawagan. Subalit hindi nito sinasagot. He dialed it again. Subalit sa pangatlong pagsubok pa lamang niya ito sumagot.

"What?"

Pinalagpas niya ang snappy tone nito. She's pregnant, he reminded himself.

"Where are you?"

"I'm here at––wait, kailangan ko bang i-report sa'yo ang lahat ng ginagawa ko at kung nasaan ako?"

"Yes," pinal niyang tugon. "Where are you?"

"I'm in a commercial shoot here in Paranaque. It's for non-fat milk."

"Where exactly in Paranaque?"

Matapos sabihin ni CJ kung saan ay tinapos na ni Sev ang tawag. He's going to see her. He really hates talking to a person without seeing eye to eye.

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon