XVII

4.3K 94 8
                                    


SEV'S APARTMENT was quite spacious. At living room pa lamang ang nakikita niya. The floor was white and shining. Para bang sawang-sawa na iyon sa kakakuskos at wala ng ibang choice kundi ang mangislap. His furnitures were generally black, from the couches to the appliances.

The right side of the living room consists of two huge shelves. Katabi ng shelves na iyon ang isang mahogany chair.

Everything was clean and organized tulad rin ng opisina nito. She was in aghast. Ang lahat ng nakikita niya'y kabaliktaran sa kanyang inaasahan.

"You can sit down while I get you something to drink," wika ni Sev na pumukaw sa pagmamasid ni CJ.

"Can I see the rest of the unit habang kumukuha ka ng maiinom?" pahabol na tanong niya rito.

"Sure."

Binuksan niya ang tanging pinto na nakikita. Kwarto iyon ni Sev. Sa gitna ay naroon ang malaking kama na kulay puti ang bedsheet maging ang mga unan at kumot. Siguro ay white ang favorite color ni Severino.

Tulad sa sala ay mayroon pa ring bookshelf roon at mesa. At napakalinis rin doon. Ng padaanan niya ng daliri ang gilid ng shelf ay wala siyang nahawakang alikabok. Mayroon ding closet na ng buksan niya ay pulos t-shirts at jeans ang laman.

May dalawang pinto na naroon. Sa magkabilang dulo ng silid ang posisyon. Una niyang binuksan ang nasa kanan. It was a bathroom and comfort room. Mayroong malaking bathtub na nakahiwalay sa shower room.

He's a neat-freak. Quite her opposite.

She looked herself in the mirror. Hindi talaga niya inaasahan ang nakita.

Sigurado siya na isa lamang itong ordinaryong empleyado. Yes, he's got a high position. What if he has a secret business? Pero malabo rin iyon. Kung may sarili itong negosyo ay hindi ito magtitiis sa pagiging empleyado. And another thing is that why Sev dress simply when he's... well she's not quite certain what he is.

Ang isa pang pinto ang naisip niyang buksan. Pagtulak niya pabukas ng pinto ay tuluyan siyang napanganga. It was a walk-in closet. Nakahiwalay ang mga damit na nakikita niyang normal na sinusuot ni Sev. And he's got a lot of wristwatch. Tinitigan niya ang mga iyon. Tila pulos bago pa. Nakahiwalay rin ang mga suits. Maliban pa sa mga pinamili nila noong nakaraang araw ay mayroon ring iba pa. Why didn't he tell her na marami na itong suits?

Curious na binuksan niya ang isang closet. Tumambad sa kanya ang iba't ibang sapatos.

Hindi talaga ito nagsisinungaling ng sabihin sa kanya na marami na itong sapatos.

"Hey."

"Hey," balik niya rito ng hindi lumilingon. "So you really do have lots of shoes."

"Yeah. Tubig lang pala ang mer'on ako sa ref na pwede mong inumin."

Tuluyan na siyang lumingon. Kinuha niya sa kamay nito ang bottled water. "If you have all these, then why aren't you wearing them? No offense meant, but you could dress like a manager or something with these things."

"You think so?"

Nilagpasan niya ito. Naupo siya sa kama nito at binuksan ang bote ng mineral water upang uminom. "I don't really get you, Sev."

Tumayo ito sa harap ni CJ, tall and proud. His face was a mask of seriousness.

"You're really mistaken if you think expensive or good clothes and shoes could define a person."

"Kung hindi mo naman pala gustong suotin ang mga iyon, then why buy them?" inis na tanong niya rito.

"I wear them. Occasionally."

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon