II

5.6K 99 4
                                    


NAGSUOT muna ni CJ ng dark shades bago siya tuluyang bumaba ng kotse. She looked up at the tall building she's about to enter. May malawak na ngiting sumilay sa kanyang mga labi bago siya tuluyang naglakad patungo sa entrance.

She doesn't need any ID. Kilala na siya ng mga guards doon at maging ng mga receptionist. Her fiancé lives in that building.

Subalit sa pagkakataong ito ay hindi kaagad siya pinalagpas ng guwardiya. Humarang ito sa kanyang daraanan. Bagaman na nakangiti ito ng malawak ay tila ba unusual ang paggalaw ng mga mata nito.

"Clint is here, right?"

"Y-yes, Ma'am," tugon ng guwardiya na tumabi na sa kanyang daraanan.

"Thank you!" masiglang wika ni CJ bago tumuloy sa may elevator. Pinindot niya ang ika-sampung palapag kung saan naroon ang condo unit ni Clint.

Dalawang oras na maaga ang kanyang pagdating. Sinadya niya iyon. Ang totoo ay patungo sila ngayon sa Benguet, sa Kanaway. Ngayon ang ikalawang beses na ikakasal ang pinsan niyang si Brien kay Jaquelyn. Three days ago lamang ang unang pag-iisang dibdib ng mga ito. Dapat ay kasama na niya roon si Clint subalit hindi ito nakadalo dahil sa isang business meeting sa Cebu.

Pero this time ay makakadalo na ito. Ito rin ang unang beses na makikila ng kanyang mga pinsan at kapatid ang kanyang kasintahan.

Her mother had met him already. At aprubado na ito ng kanyang ina. Of course she will approve of him. Anak lamang naman ng isang business tycoon si Clint Arcega. An heir to a shipping business. Sinong ina ang hindi ito gugustuhin para sa kanilang anak?

But aside from the wealth, Clint has many other characteristics. Appealing characters she may say. He was handsome and charming and smart.

Dalawang buwan na ang nakalilipas mula ng i-celebrate nila ang kanilang one year anniversary. That day was also her twenty-seventh birthday. Yes, sa mismong kaarawan niya ito sinagot. Nothing is wrong with that, right?

In fact, from now on, it would be the best day of her life. Dahil sa ikaunang taon nila bilang magkasintahan ay nag-propose na si Clint.

Sukat sa naalalang iyon ay sinipat niya sa daliri ang kumikinang na diyamante na engagement ring nila.

At ngayon, kaya't maaga siyang nagtungo rito ay dahil may naisip na siyang magandang ideya para sa nalalapit nilang kasal. That would be next month kaya naman puspusan na ang preparasyon. Dahil sa pagkawitness niya sa kasal ng dalawang pinsan––pwera si Raya dahil annulled na ito at civil lamang ang naging kasal––ay alam na niya kung paano siya magiging unique.

And Clint would surely agree with her. They think alike.

Her wedding would have media coverage kaya't hindi iyon sa Kanaway gaganapin. His cousins won't allow the media to enter. Kaya naman sa isang orchard sa Batangas magaganap ang kasal. Their wedding was tagged by the media as the wedding of the year. And she couldn't agree more.

Pagtigil ng elevator sa tenth floor ay mabibilis ang kanyang mga hakbang patungo sa unit ni Clint. May sarili siyang susi roon kaya't hindi na niya kailangang mag-buzz. Ngunit nang ipasok na niya ang susi sa keyhole ay nadiskubre niya na hindi pala naka-lock ang pinto. Nangunot ng husto ang kanyang noo.

Pinihit niya ang seradura at ibinukas ang pinto. Muntik siyang madapa dahil sa pagkatisod sa... slack pants? Naikiling niya ang ulo bago damputin ang pantalon na nasa sahig. Hindi ugali ni Clint ang mag-iwan ng mga damit na hinubad sa kung saan na lamang kaya bakit naroon iyon?

Kasunod niyon ay narinig niya ang sunod-sunod na tunog ng intercom na naroon sa sala. Ang intercom na iyon ay para lamang sa lobby kung sakaling may emergency. Pero ano naman ang magiging emergency? Hindi ba't kagagaling lamang niya sa baba?

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon