IV

5K 101 3
                                    


KAHIT nagngingitngit na ay pinalipas pa muna ni CJ ang sampung minuto bago siya tuluyang lumabas ng bahay ni Achaeus. Sa likuran pa siya dumaan upang sa gayon, sakaling may bumalik sa bahay ay hindi siya makita.

Pagdating sa may likuran ay nagkakahol ang Tibetan Mastiff niAchaeus pagkakita sa kanya. "Shh!" gigil na saway niya rito bago siya sumuuong sa halamang nakabakod sa paligid ng bahay ni Achaeus.

Ang kasunod ng bahay nito ay mga bakanteng lupa. Pag-aari pa rin iyon ng kanyang pinsan. Ngunit ang alam niya'y mayroong kahati roon si Raya. Kahit siya ay may pag-aari ring lupa dito sa Kanaway.

May privacy sa lugar na ito. Kanaway doesn't advertise. Maliban sa mga nananahan dito ay iilang tao lamang ang nakakaalam sa lugar na ito. Kapag gusto niyang magtago sa ingay ng media ay nagtutungo siya rito.

Hindi pa nga lamang niya pinatatayuan ng bahay. Ang balak nila ni Clint ay saka na lamang magtayo roon ng tahanan na magsisilbi nilang bahay-bakasyunan kapag naikasal na sila. Tumiim ang kanyang bagang dahil sa pagkaisip sa hudas na fiancé––ex fiancé.

Dahil doon ay may lalong bumilis ang pagsuong niya sa madadamong bakanteng lupa. Nang makalabas siya sa kalsada ay saka pa lamang siya tuluyang nakahinga ng maluwag. Pinagpagan niya ang damit na suot.

"CJ?"

Napalingon siya sa nagwikang iyon. Ang pinsan niyang si Dashiell ang nakatayo sa may gate ng bahay nito at nakatingin sa kanya. May bahagyang kunot sa noo nito.

Crap.

"What are you doing there?" turo nito sa bakanteng lote kung saan siya lumabas.

Sa malas ay nakita pa siya nito. Napalunok siya. "I was... excercising. Yup, nag-jogging ako."

Humagod ang tingin ni Dash sa kasuotan ni CJ. She was wearing a shirt and a jacket, jeans and pointy flat shoes. "Really? Ganyan na ba ang bagong usong get-up ngayon kapag nag-jo-jogging?"

Hinagod niya ang mahabang buhok. "Well, pinapauso ko. What do you think?" humakbang siya palapit rito. Nang makarating sa may gate ay nilagpasan niya ito at tuluyang pumasok roon.

"Honestly?" turan ni Dash na nakasunod sa kanya. "I think that's what you're wearing last night."

She laughed nervously. Naipagpasalamat niyang lubos na hindi nakikita ng pinsan ang kanyang mukha. Tuluyan siyang pumasok sa loob ng bahay nito. "Yes, tama ka din d'yan. I woke up this morning and then I suddenly realized I wanted to jog. And so I get up and started to run without changing my clothes."

Nakarating na silang dalawa sa may kusina. Dash was looking at her as if she was the strangest thing he had ever seen. "How much did you drink last night?"

"Umh..." probably ten bottles "must be two bottles. And please, stop looking at me like that as if I'd grown a third head." She moved with familiarity in his kitchen. Kumuha siya ng cup at nagtimpla ng sarili niyang kape.

"And where's Tey and Jules anyway?" tanong niya sa mga pinsang babae. "And Maybelyn?" pagkabigkas sa pangalan ng kasintahan nito ay lumawak ang ngiti ni Dashiell. Nagliliwanag ang mukha nito at tila tuluyan ng nakalimutan ang issue niya. She should have known kung paano ilalayo sa kanya ang focus ni Dash.

Since May happened to his life, Dashiell's priorities and values have changed. For good. Marahil ay hindi na ito pagkakatiwalaan pa ng kanilang Lolo Jeronimo but Dashiell seems to accept the consequences of being with May.

"Inihatid ni Jules si May sa rancho dahil papunta siya ng Baguio. Then Tey is of course, in the piggery."

Luminga siya sa paligid. "Anong oras na ba?"

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon