XIX

4.3K 88 5
                                    


"WHAT can you say about her, Ma?"

Naroon si Sev kasama ang kanyang ina sa veranda sa itaas ng bahay. Nasa ibaba naman si CJ at kausap ang mga dalagita na anak ng mga trabahador sa niyugan na pag-aari ng kanyang ina. Idolo ito ng mga dalagita at hindi inaksaya ang pagkakataon na makausap si CJ at makahingi ng autograph. Sa nakikita ni Sev ngayon ay nakikipag-usap na lamang si CJ sa mga ito.

"What can I say? Alam ko na pipili ka ng tama noon pa man. Pero kung ako ang tatanungin mo ay gusto ko ang batang iyan. Isa pa, sa buong tatlumpu't isang taon ng buhay mo ay siya ang unang babae na ipinakilala mo sa akin."

Namulsa si Sev. "Nabasa mo ba ang write ups tungkol sa kanya? For sure ay nabasa mo rin ang tungkol sa dati niyang kasintahan at ang tungkol sa amin." Bumaling siya sa ina. Seryoso ang ekspresyon sa mukha nito.

"Hindi ko pinaniniwalaan ang lahat ng nababasa ko. Kahit newsflash ay nagkakamali rin, Severino. Mas pinaniniwalaan ko ang mga bagay na nakita ko mismo at narinig. And I say that you chose well. Hindi ko rin tatanungin kung paano kayo nagkagustuhan. Sapat na sa akin na may isang tao kang mamahalin mula ngayon na magmamahal rin sa'yo."

Napahinga ng malalim si Sev. That's... not really it. Wala pa sila ni CJ sa punto ng pagmamahalan. Nagsisimula pa lamang silang gawing totoo ang kanilang relasyon. Though... he looked down on her. Eksaktong tumingala rin ito. She waved at him. Her shoulder leght hair was being tossed by the wind.

He loved her long curls. Ngunit na-realize niya na kahit ano pa ang maging buhok nito'y maganda pa rin ito sa paningin niya. Though she wears a beautiful dress or jeans and shirt just like now, she will always be CJ in his eyes. The woman he's about to be with for the rest of his life. The mother of his child.

He adored her. God, how he adored her. He realized just now that he can't live without her anymore. The lazy way she smiles, the arching of her brow. The way she always argues with him. Her being bossy all the time. He needed all of that in his boring monotonous life.

Tumingin siya sa kanyang ina. Nangingislap ang mga mata nito habang nakatingin kay CJ. He wanted to tell her about CJ's pregnancy. Ngunit alam niyang mabibigla ito. Isa pa ay nangako siya kay CJ. There's time for that, he guess.

"Isang beses ka lang magmamahal ng tunay, Severino. Isang beses lang."

KAHIT anong pakikipagtalo ang ginawa ni Sev ay si CJ pa rin ang nanalo sa pagsakay sa kabayo. Ipinilit niya na maayos ang kanyang kondisyon at bago pa lamang naman ang kanyang ipinagbubuntis kaya't hindi masama kung mangangabayo siya. Nagbigay pa siya ng halimbawa ng mga equestrian na nangangabayo pa rin sa unang buwan ng pagbubuntis. Isa pa ay hindi naman siya magpapatakbo ng mabilis.

Marahil ay para huwag na lamang humaba ang kanilang diskusyon ay pumayag na rin si Sev.

She really admires the way he rides his horse. He rides gracefully. Mukha itong haciendero na gumagala sa mga lupain nito. Well, haciendero naman talaga ito. Hindi nga lamang nito pinili ang buhay na iyon. Tanggap naman daw iyon ng nasirang ama ni Sev, ayon sa ina nito.

Prior to this, she can't picture Sev riding in a horse. Nang tumingin ito sa kanya ay ngumiti siya ng malawak.

The evening air was particularly cold tonight. May gusto raw itong ipakita sa kanya. Paborito daw nitong lugar sa buong lupain. Makalipas ang ilang minuto ay paakyat na landas ang kanilang tinatahak.

"Sa tuktok ng burol ang punta natin," pag-imporma ni Sev.

Pagdating nila sa ituktok ay inalalayan siya ni Sev sa pagbaba kahit hindi naman niya kailangan iyon sa totoo lamang. Pagkuwa'y itinali nito ang mga kabayo sa isang puno na naroon.

Napatingala siya sa ganda ng mga bituin. Nangingislap at nagniningning. Tulad rin ng unang gabi na nagkakilala sila. Bumaling siya kay Sev para lamang makita na nakatingin na ito sa kanya. "How did you know I love starry nights?" nakangiting tanong niya rito.

"You do?" he looked surprised. "I love starry nights as well. I thought I might show you this."

"I love it."

"I'm glad. Do you know any constellations?"

Ikiniling niya ang ulo. Gusto niyang tumawa ng malakas. She just love stars and starry nights. Hindi siya nag-aabalang alamin pa ang mga constellations. "I know dipper."

Napangisi si Sev. The kind of smile CJ likes to see on him. "I knew you'd say that."

Muli niyang ibinalik ang tingin sa kalangitan. "The night was like this the first moment we met."

"Really?"

"Yes," she said breathlessly. It felt as though she could touch the stars in the sky.

"Tell me about it."

Napatingin siyang muli rito. "What?"

"I'm sorry. I remember bits and pieces of that night pero hindi ko magawang alalahanin ng buo," his eyes were burning with sincerity. "I'm not good at handling alcohol. Can you tell me about it? If you tell me about it, I might remember everything."

Huminga siya ng malalim bago ibinalik ang tingin sa kalangitan.

"I was looking at the stars. Silently wishing na mayroong dumaan na shooting star. At nangyari nga. May shooting star na dumaan. I wished to meet someone special." Sa pagkakataong iyon ay bumalik ang mga mata niya kay Sev. "Then you came." She suddenly wanted to touch his face. "I told you my name and you said yours. Then we started drinking. And then you ask me to come with you, I said yes."

Muling ibinalik ni CJ ang paningin sa kalangitan. "I ask you if you have a girlfriend. You said no, and when you ask me if I have a boyfriend I said no. I've thrown my ring." Sa puntong iyon ay naggalawan ang muscles sa mukha ni Sev. Nagpatuloy siya. "Then you gave me the ring and you said you want to marry me," itinaas niya ang kamay kung saan nakasuot ang singsing na bigay ni Sev. "I said yes. Then we kissed." Isang magaang na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

Namulsa si Sev. He was looking down. "Is that why you... broke up with your fiancé? Because of what happened to us?"

Ipinangako niya sa sarili na walang pagsasabihan ng buong pangyayari. Ayaw niyang kaawaan. Hindi niya gustong makita siya ng mga tao na isang kaawa-awang bagay na nagawang lokohin at gamitin sa kabila ng kinalalagyan niyang pedestal. But right now, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang itama ang iniisip ni Sev patungkol sa sarili nito. Tiyak na iniisip nito na ito ang may kasalanan.

He's not deserving of that.

"Before that night, I went to my ex-fiancé's condo," panimula niya. She was staring at her feet. At bago pa magbago ang kanyang isip ay sinabi niya kay Sev ang detalye ng lahat ng mga pangyayari. Maging ang pagkaalam niya na ginagamit lamang siya nito upang makuha ang mana nito. But of course, hindi niya sinabi na matapos malaman ang panggagamit ni Clint ay nagpasya rin siyang gamitin si Sev.

"Look at me, sweetheart." Napaangat ang mukha ni CJ. Her face was inches apart from him dahil nakatayo na pala ito sa kanyang harapan. Pumaikot ang mga braso nito sa kanyang baywang. This is the first time he had used an endearment in calling her. "He didn't know what kung ano ang pinakawalan niya. He doesn't deserve you. Not ever. And... I may have wished on the stars that night. That's why I found you."

She could smell the tantalizing fragrant of his skin. Habang tumatagal ay mas lalo pa siyang nagiging pamilyar sa amoy ni Sev. She's fraid she can't live without him anymore. His lips were inching closer towards her. Subalit bago pa maglapat ang kanilang mga labi ay sinapo niya ang mukha ni Sev. She slowly removed his eyes glasses. Then her mouth came to his.

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon