XV

4.1K 92 3
                                    


BUT he wished he hadn't come. At least not while she's still having a shoot.

Para bang commercial para sa pagtitipid ang shoot nito. Ang pang-itaas na suot ni CJ ay masyadong maiksi. Exposed ang buong tiyan nito. Kung may nagpipigil man sa kanyang pagwawala ay ang running pants na pang-ibaba nito.

But not for long. Nang makita niya na may kapareho itong modelo ay parang gusto na niyang ipatigil ang shoot na iyon. The guy was topless. At gaya ni CJ ay naka running pants din ito. When he touched her face–part of the commercial–he almost interrupted.

"What's the matter?" gulat ni CJ ng makita si Sev. "Ni hindi mo sinabi na pupunta ka."

"I did," aniya. He removed his jacket and put it on he shoulders.

Nangunot ng husto ang noo ni CJ. "You didn't."

"Tinanong ko kung nasaan ka. That means I'll come for you."

Pinaikot nito ang mga mata. "Bakit ka nagpunta?"

"Hindi pa ba tapos ito?" sa halip ay tanong ni Sev. "It would be better if you'll change into something decent."

Umarko ang kilay ni CJ. "This is decent," turo nito sa sarili. "What do you expect in a non-fat milk commercial. Of course I'd have to show something that would make people believe na epektibo ang gatas na iyon."

"Kahit na," giit niya. "At bakit kailangan pa na dalawa kayo? Anong kilaman ng non-fat milk sa paghawak-hawak n'yo sa mukha ng isa't isa?"

Nagusot ng husto ang mukha ni CJ. "You know what, Severino? Ini-stress mo lang ako sa mga pinagsasabi mo. Kung wala ka naman palang kailangan sa'kin ay umalis ka na lang."

Nang tumalikod na si CJ ay tila biglang natauhan si Sev. Hinabol niya ito at hinawakan sa braso. Masuyo niya itong iniharap sa kanya.

"I'm sorry. I'm really sorry," hindi ito umiwas ng yakapin niya ito.

He's aware people are staring. Wala siyang pakialam. He wanted to make her feel better. He's being irrational when she's just doing her job. Hindi siya maaring umasta ng ganito. Ito ang trabaho ni CJ. Dapat na ngayon pa lamang ay masanay na siya.

"I'm just worried that you'll tire yourself. I'm worried about the baby."

HE'S just worried about the baby. Just the baby.

She shouldn't harbor any thoughts that they could be some sort of real husband and wife. Lalo pa at wala naman talagang bata na nabubuo sa kanyang sinapupunan. She could either chose to tell him the truth or fake accident. Kahit ano sa dalawang iyon ay may konsekwensiya. Saka na lamang niya iisipin kapag natapos na ang lahat ng ito.

Sa ngayon the media was in frenzy. Mas pinaniniwalaan siya ng lahat kaysa kay Clint. She called her douche ex. Sinabi niya rito na kung hindi ititigil ang pagpapa-interview ay mapipilitan siyang isiwalat ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Maging ang dahilan ng mabilisan nitong pagpapakasal. Mukhang natakot naman ito dahil wala ng lumalabas na article tungkol rito.

Sa halip ay pulos sa kanya at sa napipinto niyang pagpapakasal sa mysterious Mr. Right na parati niyang binabanggit sa mga interviews.

Hindi na muna niya iniisip ang eskandalong dulot niya sa kanilang pamilya. Hindi rin niya sinasagot ang anumang tawag mula sa kanyang ina.

"CJ?"

Napalingon si CJ mula sa pagkakatingin sa labas ng bintana. Noon lamang niya namalayan na hindi pa pala ini-start ni Sev ang makina ng sasakyan nito. Nagprisinta ito na siya ng maghahatid sa kanya sa halip na ang kanyang agent.

"Why?"

"Can I..." mula sa mukha ni CJ ay bumaba ang tingin ni Sev sa kanyang tiyan. Hindi na nito tinapos ang sasabihin. Kumilos ang isang kamay nito patungo sa kanyang tiyan na nagpakislot sa kanya. "I really want to do this since the first time you told me that you're pregnant."

Mula sa kamay ni Sev ay unti-unting umakyat ang kilabot sa kanyang tiyan at patuloy na gumagapang sa bawat bahagi ng kanyang katawan. At ng umakyat iyon sa kanyang puso at pumasok roon ay tila may mainit na kamay na humahaplos roon.

Yumuko si Sev at idinikit ang mukha sa kanyang pipis na tiyan. Nanatili ito ng ilang sandali sa ganoong posisyon. Nag-iinit ang mukha ni CJ sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. He smelled so clean and male. "You c-can't hear anything yet."

Nag-angat ng mukha si Sev. Their eyes met. His dark eyes were full of wonder and excitement. "I know."

Right there and then, CJ wished that she really is pregnant. Every sane woman in the world would want him to become the father of their child. Or maybe even the insane ones. 'Cause she's one of them.

Nang muli itong yumuko ay matinding pagpipigil sa sarili ang kanyang ginawa upang hindi ibaon ang mga daliri sa buhok nito.

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon