XVI

4.1K 90 1
                                    


"SMILE."

Hindi lamang yata sampung ulit na ibinulong iyon ni CJ kay Sev. He was trying his best subalit hindi talaga siya sanay sa mga event na maliban sa maraming tao ay may mga press people pa. He could endure these things if he was on the sidelines. Ang kaso lamang ay naroon siya bilang isa sa mga guest.

CJ has attended a charity event in Oriental Hotel. Isinama siya nito bilang date. Ipinaalam nito sa kanya kanina lamang. Without even asking if he wants to. Nagngingitngit man ay nagpigil siya. For the sake of the baby ay kailangan muna niyang pagbigyan ito.

She was all smiles. Lahat na yata ng mga taong nakasalubong nila ay naipakilala sa kanya ni CJ at ganoon din siya sa mga ito. Subalit wala siyang matandaan sinuman sa mga iyon. He was so distracted

"I can't force myself to smile. It comes naturally kung talagang may nakakaaliw na bagay sa paligid."

Dumiin ang mga daliri ni CJ sa braso ni Sev. "You're gorgeous when you smile."

Kahit ayaw ni Sev ay napangiti siya. "Is that a compliment?"

"Yes, yes. So smile."

Napailing na lamang si Sev. But he tried his best to smile.

Inabot ng ilang oras ang event. Pagkatapos niyon ay nagpaalam siya kay CJ na mauuna sa kotse. On his way to CJ's Porsche ay may ilang mga reporters na sumunod sa kanya. He kept a serious façade.

"Sir, pwede ba namin kayong ma-interview kahit one minute lang? Can we know your name? How long have you known CJ de Gala?"

Umiling siya. "Sorry, I don't do interviews," hindi tumitinging wika niya.

They should talk about these things. Hindi maaring sa lahat na lamang ng bagay ay basta siya nitong kakaladkarin saan man o kailan. He has his own job to tend to. Lately ay hindi na one thousand percent ang naibibigay niya sa trabaho. He really doesn't mind. But he has his limits. Sa mga ganitong event na hindi naman talaga kailangan ang kanyang presensiya ay hindi niya gustong magpakita.

Mas lalong iisipin ng mga tao sa kanyang paligid na sumasakay siya sa pangalan ni CJ. Worst ay baka makita na lamang niya ang mga mukha sa pahayagan. Kapag nangyari iyon ay hindi niya alam kung magagawa niyang pigilan ang magalit.

Nang matanaw na niya ang papalapit na si CJ habang napapalibutan ng mga guards ay huminga siya ng malalim.

"KAILANGAN mo ba talaga ng bodyguards?"

Bumaling si CJ kay Sev. Pagkuwa'y umiling siya. "Simula lang ng..." ikiniling niya ang ulo. "Lilipas din ito." Iyon ang paniniwala niya. Dala lamang iyon ng eskandalong kanyang kinasasangkutan.

Noon ay hindi niya kailangan ng disguise. She can be anywhere she want without being swarmed by reporters.

"Let me clear this," sa halip ay wika ni Sev. "I'm not going to this kind of event anymore. Or any event at all."

Nagkibit-balikat lamang si CJ. "You've done well."

Hindi kumibo si Sev. Ngunit kita ni CJ ang paghigpit ng mga kamay nito sa manibela. She really admire his self-control. Nagagalit na'y nagagawa pa ring magpigil. Hindi siya ganoon. She has to shout or hit something when she's angry.

"Where do you live anyway?" naisip niyang itanong. "We're getting married pero ni hindi ko alam kung saan ka nakatira."

"You want to see my place?"

She's not keeping her hopes up. She's actually expecting a shabby place for his house. Magkano na lamang ba ang sweldo ng isang nagtatrabaho sa publishing house? Marahil ay nakatira ito sa isang one bedroom apartment. O marahil ay isang silid lamang mismo.

"Sure," pakibit-balikat na tugon niya.

Isinuot niya ang dark glasses at ipinikit ang mga mata. Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman ni CJ ang pagtigil ng kotse.

"We're here," ani Sev.

Inalis niya ang seatbelt na suot at lumabas ng kotse. They're in a parking lot. Luminga siya sa paligid. Pagbaba ni Sev ng kotse ay hinawakan siya nito sa braso at iginiya sa isang elevator.

"Where is this place?" kunot-noong tanong niya rito.

"We're in an elevator," mabilis na tugon nito.

"I know it, idiot. Kung saang lugar tayo naroon, iyon ang gusto kong malaman!"

"A building in Makati. Ang sabi mo gusto mong makita kung saan ako nakatira. In less than a minute ay makikita mo na kung saan ako nakatira. Don't expect too much. For sure ay hindi papasa iyon sa standard mo. And I'm so sorry, hinding hindi ako lilipat ng tirahan just to follow your whim. I have my limitations CJ de Gala."

Wala na siyang panahon na mag-counter attack dahil sa tumigil na ang elevator sa fifteenth floor. Napasunod siya sa paglakad ni Sev. Tumigil ito sa pinto ng isang unit at binuksan iyon. Her mouth formed an "oh" the moment she stepped inside. Sumalubong ba naman sa kanya ang mabango at malinis na amoy. Just like him. Akmang papasok na siya ng tuluyan ng pigilin siya ni Sev.

"Remove your shoes," turo nito sa suot niyang sapatos. "And wear this," inilabas nito ang isang pares ng tsinelas.

Naikiling niya ang ulo. Gayunpaman ay ginawa na lamang niya ang sinabi nito.

Starry, Starry Night (Kanaway Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon