[CHAPTER 5 - THE DAY BEFORE]

146 2 0
                                    


"Ma, May bibilin lang ako ah?"

"sige ingat ka nak. Balik ka agad ah?"

 Lumabas nako ng bahay. Naabutan ko si Hanny na inaantay ako. Inaya nya kasi ako na mag shopping para bukas. Invited din ang pamilya nila sa party ng tatay ni Eithan e.

 Hinatak ako ni Hanny papunta sa isang dress botique. Ang daming magagandang dress at gowns na iba't iba ang disenyo. 

"Miss K, Ikaw na bahala sa kanya ah?" sabi ni Hanny sa isang bakla dun. Nginitian ako neto at dinala sa isang kwartong puno ng mga kumikinang na mga damit. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Tapos bumaling sa mga gowns. 

"Eto. Sukat mo" sabay abot sakin nung gown. Kulay Gold yun na may mga kumikinang kinang na design. Basta! Maganda sya. Simple pero elegante. Sinuot ko na yun at saka lumabas sa fitting room.

 "Wow. you're so gorgeous Viya" nakangiting sabe nito.

 Bolerang palaka. Oo maganda ako pero ang Oa naman nung mukha nya. Ok na sana e. Pero sge pagbigyan.

 I smiled "Thanks"

 "Wow Ang ganda ng besprend ko!!!" Masayang masayang sabi ni Hanny.

 Binayaran na namin yung mga pinamili namin. 

"Kain tayo" Sabi neto. 

Pumunta kami sa isang restaurant. Gusto ni Hanny e, Sabe ko nga fastfood nalang kaso ayaw nya. Hinatid kami sa table nung waiter at nagbigay ng menu. Hinayaan kona si Hanny mag order.. 


Teka?


 Si Gian ba yun?? o_O 

Tinignan ko pang maigi yung nasa kabilang table. 

HALA?

 si Gian nga!! 

At.... 

May kasama syang babae. 

"Hoy Viya. Sino bayang tinitignan m....Is that Gian?" Medyo napalakas boses ni Hanny kaya napalingon yung babae at si Gian. 

Napakunoot naman yung noo ni Gian. 

"Do you know them?" tanong nung girl kay Gian. Pero umuling lang to. 

JUST WOW! Hindi nya na pala kami kilala! Aba nagka babae lang sya di na kami kilala? Wtf? Nagulat ako ng mawala si Hanny.....

"Kami? Dimo kilala? Aba! Ano to? Nagkaamnesia ka? Sino ba yang pinagmamalaki mong babae na yan? Napa-----hmmmm" Tinakpan ko ang bibig ni Hanny. Nagtitinginan na samin ang ibang tao. Nakakahiya. 

"Sorry po. Hehe. May sakit po sya sa utak ehehe" Hinatak kona sya pabalik. 

Tumayo nadin sila Gian at umalis na sa restaurant. 

Sino naman kaya yun?

 Wala naman syang nabanggit na girlfriend nya? 


Hmm. Siguro nga girlfriend nya yun?

 Hayyysss..

 ewan! 

Pake ko ba?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang gwapo ni Wonwo---I mean Gian. 

MY STUPID EX - BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon