"Hoy Viya! Samahan mo naman ako!"
Nagising ako sa pagyugyog sakin ni Jene.
"Ano ba yun?" Sabe ko pero nakapikit padin.
"Sa Salon!! tsaka nood tayo sine!" Niyugyog nya ulit ako.
"Wag moko alugin! Nahihilo ako! ano bayan!" iritang sabi ko.
"Bakit ka nahihilo? Buntis ka? paano?"
binatukan ko nga!
"Gaga! Puyat lang ako!"
"ayy hahaha.. Sumama kana kasi!" Sabe nya.
umupo na ako at sumimangot.
"May magagawa paba ako?"
"YEHEY!" tuwang sabe nya at kinurot pa ako.
Baliw na ang babaeng to.. Parang dati lang. Inis na inis ako sa kanya pero ngayon,Sya nalang ang pinagkakatiwalaan ko.
Nag ayos nako at ganun din sya.
Wala akong gana, Antok na antok ako kaya nagpahatak nalang ako kay Jene.
Pumunta kami sa Salon , Nagshopping, Kumain, mamaya nadaw kami manood ng sine bago umuwi.
Dumidilim na pero wala pa atang balak umuwi itong kasama ko..
pagod na ako at masakit na ang paa ko.
"Dipaba tayo uuwi?" Tanong ko. tumingin sya sa relo nya.
"Maaga pa noh! maya na! hahahahaha" Tapos naglakad na ulit sya.
Maaga bayung 6:46pm? Nagring ang cellphone ni Jene
"Wait lang Viya. sagutin ko muna to"
tumango lang ako.
Lumayo na sya..
Naglakad lakad pako at napahinto sa isang tindahan...
tindahan ng wedding gowns.
ano kayang pakiramdam ng magsuot nyan?
"S-sorry!" Sabe ko at tinulungan ang nakabunggo ko...
pagtingin ko.. BIGLANG HUMINTO ANG HININGA KO...... . . . . . .
"Viya?"
"H-hanny?"
=-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
MY STUPID EX - BOYFRIEND (COMPLETED)
FanficMy tears fall automatically when I saw him.... Kissing another woman. agad akong lumapit sa kanya kaya napatingin sila sakin "Jene, Pumasok ka muna" Sabe neto sa babae nya at sumunod naman yun. Ngayon kami nalang ang nandito. "S-sino sya?" tanong k...