Andito na kami sa bahay magkasabay kami ni Rhett, lumabas siya ng sasakyan niya at ako rin.
Ang bait niya ngayon anong kinain niya?
"Bilisan mo nga!" sabi niya
Aba?! Bahay ba niya? Litsugas
"Teka mag hintay ka nga bahay ko to okay? Excited much?" sabi ko napa buntong hininga nalang siya.
Nakasulobong ko naman si Bita wahhh I miss you baby!
"Baby! Na miss kita!" sabi ko, akala ko lalapit siya sakin
Pero lumapit siya kay Rhett nakita ko naman si Rhett na ngumiti at kinuha yung aso ko.
→_→
Gusto siya ng aso ko! Hindi pwede! Parang nagseselos ako ah. Pasalamat siya mahal ko siya. Yung aso ko.
"Pasok na tayo" sabi ko habang bitbit niya parin si Bita.
Ng pumasok kami nakita ko si Kuya at si Keira. Hmmm I smell something fishy ah.
"Hi kuya!!" sigaw ko habang naka ngiti.
Ngumiti rin si kuya pero nawala yun ng makita niya si Rhett na nasa likuran ko. Hindi pala sila okay, ay hindi, hindi kami okay lahat.
"Ah kuya, etutor ko siya eh sa math" nagkatinginan sila ni Kuya.
"Sige wag kayo sa kuwarto mo, dito kayo sa sala" sabi ni kuya at inakbayan si Kiera.
Girlfriend niya ba to? Binitawan ni Rhett yung aso ko. At nag salita
"Doon kami sa Room niya hindi ako makapag focus dahil ang inay" sabi niya at ngumisi.
"Eh di hindi kami mag iingay" sabi ni kuya tiningan ni Kiera si kuya "Lumabas nalang tayo Axton" sabi nito.
"Sa kuwarto nalang tayo Rhett" sabi ko, parang bc tong dalawang lovers to eh.
"Dito ako mag-didinner ha?" nakangising sabi ni Rhett sa akin habang papunta na kami sa kuwarto ko
"Ayoko nga! Baka mawalan ako ng gana!" sabi ko at binuksan yung kuwarto ko.
"K-kuwarto mo ba to?" nauutal na tanong ni Rhett sa akin habang tinitingan yung buong kuwarto ko.
"Oo hindi ba halata? Kaya nandito ako eh" sabi ko at inilagay yung bag ko.
Hindi nalang kami sa kuwarto baka ano pa yung makikita niya dito at kinuha ko yung mga libro ko.
Habang siya bc sa pag tingin ng mga gamit ko. Baka bakla to.
"Ganda ng Room mo ha" sabi niya pinuri niya yung room ko.
"Sa Study room tayo" sabi ko at lumabas sa room ko, patungo kami sa study room ng lumapit naman si Bita sakanya.
Aba sumusobra kana Bita ha!
"Parang gusto ako ng aso mo ah" sabi niya at binigyan ng lovies si Bita.
"Gusto ka niya pero ako yung mahal" sabi ko at tumawa naman siya.
Binuksan ko yung pintuan at umupo na ako. Kumuha naman siya ng upuan niya at umupo sa tabi ko.
"Ano ba yung nahihirapan mo?" tanong ko sakanya.
"Hmmm wala" sabi niya at nilaro yung ballpen niya.
"Eh bakit andito ka?" tanong ko sakanya. Baka marunong naman siya kaso nga lang tamad mag aral.
"Eh dinala moko dito eh" sabi niya
"Umalis ka nalang" sabi ko at binuksan yung aklat na dala ko."Girlfriend ba yun ng kuya mo?" tanong niya sa akin, seryuso yung tingin niya.
"Parang Oo parang hindi," sabi ko at kumuha ng papel kukunin ko yung importanteng detalye.
"Bagay sila" sabi niya at tumingin sa ceiling, nag e-emo ba siya?
Ngumiti lang ako, akalain mo yun may girlfriend na si kuya, at masaya siya sa kung anong meron siya. Ako kaya kailan ako magkaka-boyfriend?
Aish! Study first muna Rayne!
"Hayaan mo na silang dalawa mag aral nalang tayo, para tumaas yung grades mo sa mga subject na hindi mo alam" sabi ko pinakuha ko yung aklat niya at pinabasa ko yun sakanya.
"paano ko sila hayaan?"
"Anong sabi mo?" tanong ko sakanya
"Ah wala!" sabi niya at nagstart na siyang magbasa.
Hindi ko maiwasang tumingin sakanya hindi naman siya totally certified bad boy. Childish lang talaga siya. Dapat yung gusto niya yun yung masusunod.
Mataas naman yung score niya sa history at napag-alaman ko na mataas yung grades niya noon pero bigla nalang bumaba.
Ano kaya yung nangyari?
"Bahay niyo ba talaga to?" tanong niya sakin.
Ano klaseng tanong naman iyan?
"Oo bakit hindi ka makapaniwala"
"Yung alam ko dito nakatira yung nagandahan kong babae"Nanlaki naman yung mga mata ko, nagandahan ba siya kay mama?
"Hoy! May gusto ka sa mama ko no?!" sigaw ko napa pikit naman siya
"Hindi no! Kasi ganon yung veranda niya katulad ng sayo" sabi niya napa tigil naman ako sa ginagawa ko.
"Walang maganda dito" sabi ko
"Meron kaya" sabi niya at ngumiti.
Humarap siya sa akin at tiningan ako ng maigi.
"Bakit ang layo ng mukha mo sa kuya mo?" tanong niya tiningnan niya pa ako ng maiigi
"Ang l-laindi mo ha!" hinampas ko siya ng libro ko.
"WAHAHAHAHA!" Tawa niya napatakip naman ako ng tenga ko.
"Tumigil ka nga!" Sigaw ko sakanya, napatawa pa siya ng todo."Aish! Andito kaba para kulitin ako?!" naiinis kong tanong sakanya. Bakit ba?!
"Iba yung pinunta ko dito" sabi niya sa akin umayos ng upo.
Nilingon ko naman siya, andito siya Rayne para may matutunan okay?
"Alam ko" sabi ko at sumulat na, "Tamad ka ba mag basa?" tanong ko sakanya.
"Oo sobrang tamad, kaya nakikinig lang ako at hindi nagsusulat" sabi niya at tiningan ang sinulat ko.
"Para to sayo, kaunti lang yung mga definition na inilagay ko" sabi ko sakanya
Kinuha naman niya yung papel na sinulatan ko at binasa niya yun
"Hmm okay, gutom na ako" sabi niya at hinawakan yung tiyan niya.
Ano? Ako yung magpapakain sakanya?! Ayoko nga
"Mamaya kana kumain"
"Gutom na kasi ako"
"Mamaya na"
"Gutom na talaga ako eh"
"Mamaya"
"Pero gutom na nga ako!"
"MAMAYA NA OKAY?!"
Sigaw ko naman ano to? Bahay niya? bahay niya? Tinarayan ko lang siya.
"Ako nalang kukuha ng pagkain ko" sabi niya at tumayo na.
"Eh pano ako?" tanong ko sakanya
"Bahay moto kaya ikaw, magkuha ng pagkain mo" sabi niya at lumabas na.
Wala siyang hiya, okay hindi naman ako gutom ngayon eh. Hintayin ko nalang siya,
Ilang minuto pero hindi pa rin siya bumabalik, andito naman yung gamit niya. Baka inubos na niya yung pagkain namin.
Pumunta ako sa ilalim nakita ko siyang....
Tinitingnan si Kiera
YOU ARE READING
HOPELESS ROMANTIC (ON GOING )
Teen Fiction1. PLAY GAME WITH HIM 2. DONT FALL FOR HIM malagpasan ko kaya to? Mananalo ba ako sa larong ito? This game will be over, at sino kaya ang mananalo sa larong ito? I Xevanine Ranye Dallas, I play games with Rhett Nixon