"SI RAYNE NAMAN BA DAHIL NAPASAKIN SI KIERA HA?!?
Hindi ko narinig ang sinabi ni kuya ng nilagyan ni Rhett ang tenga ko ng earphones at nakatugtug ang kanta at nagkasagutan sila.
Hinawakan ako ng mahigpit ni Rhett habang nag-uusap sila. Napatingin ako sa ako sa mga taong naka paligid sa amin. Nakikinig sila sa kasagutan ng dalawa.
Nainis ako ng biglang hinila ako ni Rhett paalis dun.
"SAAN MO SIYA DADALHAIN?!"
Narinig kong sigaw ni kuya at humabol sa amin pero mas binilisan pang lumakad ni Rhett
Kinuha niya yung earphones sa aking tenga ko at ng dumating na kami sa parking lot tinulak niya ako sa loob ng sasakyan.
Ang sakit naman nun
Lumibot siya at pumasok na rin at pinaandar yung sasakyan niya, kumuha siya ng towel sa backseat at hinagis yun sa mukha ko.
Tinarayan ko lang siya.
"Bakit mo ako sinama ha?! Mag-alala si kuya sa pinanggagawa mo!" sigaw ko sakanya.
"Ang laki mo na para bantayan niya pa!" sigaw niya sa akin at tinuon lang ang pansin sa daan.
Napabuntong hininga nalang siya.
"Inilayo kita dahil andoon si Veronnica,baka aawayin ka nun" sabi niya"Pake mo ba?!" sigaw ko naman pabalik sakanya. Ginulo niya yung buhok niya at tumingin derekta sa mga mata ko.
"Ano sa tingin mo?" naka ngising tanong niya sa akin.
"tanga" isang salita na lumabas sa aking bibig.
He smirk and just focused on driving
Hindi ko maintindihan ang nangyayari sakanya.
Napansin ko na andito kami sa labas ng subdivision namin. Pinark niya sa gilid yung sasakyam niya at binuksan yung pintuan ng sasakyan niya.
Lumabas naman ako at inayos yung sarili ko.
"I just ride you home" sabi niya at ngumiti na nakakaloko. Tumalikod lang ako sakanya at umalis na.
Parang lalagnatin ako nito ah.
Pagpasok ko ng bahay nakita ko sa mama at kuya na nag-uusap.
"Saan ka pumunta?" tanong sa akin ni kuya. Napatigil ako ng lumapit siya sa akin
"Uhmm, hinatid lang ako dito ni-" hindi napatuloy yung sinabi ko ng lumapit na rin si mama.
"Aba! Bakit basa ka? At Sino ba anak ang naghatid sayo?" naka ngising tanong ni mama.
"Uhh--" hindi ako natuloy ng humarap si kuya kay mama.
"Pinahatid ko siya dito sa kaibigan ko" sabi niya nanlisik yung mga titig nito sa akin
Napayuko nalang ako sa sinabi ni kuya bakit hindi niya sinabi kay mama yumg totoo?
"Ipaghanda ko muna kayo ng meryenda!" masiglang sabi ni mama at tumungo sa kusina.
Bigla naman napaharap sa akin di kuya at naka taas ang mga kilay nito. "Ayoko ko na lumapit kapa sa lalaking yun, naiintindihan mo?" galit na sabi ni kuya.
"Eh kasi naman, hindi ako yung lumalapit sakanya ano! Siya kaya!" sabi ko kay kuya at ngumuso sakanya.
Tsk, ako nalang yung napapagalitan eh.
"Mahirap bang lumayo sakanya ha!" sigaw ni kuya, mabuti naman at hindi narinig ni mama.
"kung nasaan ako andoon rin siya" naiinis kong sabi sakanya.
YOU ARE READING
HOPELESS ROMANTIC (ON GOING )
Teen Fiction1. PLAY GAME WITH HIM 2. DONT FALL FOR HIM malagpasan ko kaya to? Mananalo ba ako sa larong ito? This game will be over, at sino kaya ang mananalo sa larong ito? I Xevanine Ranye Dallas, I play games with Rhett Nixon