Nasa canteen ako ngayon at mag-isa lang ako, dahil wala si Nikolai o si hailey man lang huhu.
Lonely yung peg ko ngayon.
Tiningnan ko yung mga pagkain, ayoko ko ng fries, ayoko ng sandwich, ayoko ng siomai, ayoko— wala naba silang ibang benebenta?
Bumili nalang ako ng tubig at biscuit nakakasawa na kasi yung food sa canteen, hmm mag susurvey yung canteen sasabihan ko talaga na ibahin yung mga food dito.
Nakakasawa na kasi.
Palakad lakad lang ako sa hallway na patungo sa classroom namin, ng masagip ng mga mata ko ang pagtingin sa akin ng mga kaibigan ni Veronnica.
What's wrong with them?
May ginawa ba akong masama?
Wala naman diba?
Hanggang makarating na ako sa classroom,
Patuloy lang ako sa pagkain sa arm chair ko ng maramdaman ko na may umupo sa harapan ko, andito ba siya para guluhin ako?
"Bakit mag-isa ka? Nasaan si Hailey oh kaya si Nikolai?" tanong niya at ngumuso na parang nagsasabing "so sad"
I just rolled my eyes on him, tumayo ako para umalis ng may sabihin siya
"Ang aga-aga nangbwebwesit kana? Pwede ba tigilan mo na ako?!" sigaw ko sakanya at umallis na.
Sumandal ako sa gilid ng classroon namin, ng dahil sa sobrong kabog ng puso ko. Kaya ko palang sigawan yung lokong yun.
Lumakad na ako papunta sa library ng makita ko si Nikolai.
Oo nga pala, hindi ko siya nakita nitong mga nakaraang araw. Saan naman kaya napunta to?"Hello Nikolai! Masigla kong bati sakanya.
"Hi! Rayne saan yung punta mo?" tanong niya sa akin.
"hmm patungo kasi ako sa library nick" ngumiti ako sakanya ngumiti rin naman siya pabalik sa akin.
"Samahan kita wala naman akong gagawin eh," sabi niya, he leads the way ng sabihin ko na pupunta kami sa library.
Marami rin siyang nabanggit sa akin na mga libro, kumuha ako ng libro at umalis na kami agad doon. Pumunta kami sa Garden at nagtambay doon. Bakit ang sobrang bait nitong si Nikolai? Bakit hindi nalang sundin ni Rhett si nikolai?
"Marami ka palang alam pagdating sa mga libro" sabi ni nikolai.
"Bakit hindi kita nakita nitong mga nakaraang araw?" tanong ko sakanya ma bigla namang nanlaki yung mga mata nito.
"Namalayan mo pala yun? Hindi ko akalain na magiging interesado ka pagdating sa akin" natatawang sabi niya hinampas ko naman siya ng libro na bitbit ko.
"Hindi ah! Syempre kasama kita sa lahat ng oras eh"
"Concern ka nga?" sabi niya at kinurot yung cheecks ko.
"Aray!" sabi ko at hinampas siya ulit.
"HAHAHA! Asan yung kuya mo?" tanong niya, bakit hindi niya sinasagot yung mga tanong ko?
"Wag mo ng alamin yung mga bagay na tungkol sa akin" sabi niya, napatuon naman yung pansin ko sakanya dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Halika" sabi niya at senenyahan akong tumayo sa kinauupuan ko sa damo.
"Gutom ka ba?" tanong niya sa akin pinagpag yung damit niya.
"uh.. Hindi kumain na ako kanina lang" sabi ko na rin.
YOU ARE READING
HOPELESS ROMANTIC (ON GOING )
Fiksi Remaja1. PLAY GAME WITH HIM 2. DONT FALL FOR HIM malagpasan ko kaya to? Mananalo ba ako sa larong ito? This game will be over, at sino kaya ang mananalo sa larong ito? I Xevanine Ranye Dallas, I play games with Rhett Nixon